Fourth Page / August 25, 2016

506 56 8
                                    

August 25, 2016

Hindi na maga 'yung labi ko dahil sa suntok ni Michael.

Kaya naglagay siya ng bago kaninang umaga.

At tulad ng dati, trip lang niya.

At tulad din ng dati, hinayaan ko nalang.

Masaya ako ngayon e.

Ayokong magpakalugmok dahil lang sa sapak niya.

Dumating na kasi si Sandy, 'yung kababata ko na pumuntang America para magbakasyon. Nandito na siya sa Pinas at mag-aaral sa parehong school kung saan ako nag-aaral ngayon.

Sana lang, hindi ko siya maging kaklase.

Ayokong mapahamak siya dahil sa akin.

Ayokong mabully din siya.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon