January 4, 2017
Nang pumasok ako sa school, lahat ng estudyante nginingitian ako. Hindi ko alam kung bakit, pero nawiwirduhan ako.
Ang sabi sa akin ni Sandy, kaya daw baka ganon umasta 'yung mga kaklase namin, ay dahil bagong taon. Baka raw nagbabagong buhay na ang ilan sa amin.
Kung gano'n nga, edi mainam.
Dumating si Michael kasama si Trisha. Pero hindi tulad ng dati, hindi sila clingy ngayon. Walang holding hands, wala man lang "I love you" bago umupo sa upuan, o kaya kahit kindatan lang, wala. Napaka-unusual nilang dalawa.
Then nalaman ko nalang, break na pala sila.
Hindi ko alam kung bakit at paano. Wala rin naman akong balak alamin.
Buong klase, si Sandy nakatingin kay Chad.
Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan ni Sandy kay Chad, pero kung saan masaya ang kaibigan ko, doon ako. Basta ba hindi siya masasaktan sa ginagawa niya.
Buhay naman niya 'yan. Choice niya.
Kahit deep inside alam kong masakit pa rin para sa kaniya ang ma-reject.
Teka, nakalimutan ko, exam na nga pala namin sa susunod na linggo. Magre-review lang ako. Kailangan kong bawiin 'yung mga bumagsak kong subjects. Baka hindi pa ako makagraduate dahil do'n. Baka hindi ako maka-alis sa bahay na 'to pagnagkataon.
Ayokong tumira rito habang buhay.
Kasama ang tatay kong manloloko.
At anak niyang feeling santa.
***
Matteo.
Sinarado ko muna 'yung diary. Gusto ko pa sanang magbasa, pero kailangan kong maghanda ng almusal para sa amin ng asawa ko. Para kapag nagising siya, hindi na siya mag-aasikaso.
Ito 'yung pangako ko sa kaniya bago kami ikasal.
Aalagaan ko siya na parang prinsesa.
Ituturing ko siya na reyna.
At ako ang hari niya.
Napa-iling nalang ako dahil sobrang korni ko.
"Matteo, paano ka ba naging ganito kasaya sa kabila ng lahat ng paghihirap mo?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa diary na hawak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil naging gano'n kagulo ang pagkabata ko.
Pero ganito naman kasaya ang lahat pagkatapos no'n.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...