Eighth Page / October 1, 2016

327 43 9
                                    

October 1, 2016

Kamusta?

Akala ko hindi na kita kakailanganin.

Punit-punit ka na kasi.

Nang huli kitang sulatan, nasira ko ang ilang mga pahina. Pero dinikit ko gamit ang tape.

Ewan ko ba.

Wala akong kaibigan.

Wala na rin akong nanay.

At hindi ko na rin gustong magkaro'n pa ng tatay.

Ang meron nalang ako, ay si Sandy.

At ikaw, na napaglalabasan ko ng mga salitang hindi ko kayang ilabas sa bibig ko.

Speaking of bibig, putok nanaman ang labi ko.

And of course, it's because of Michael again.

Simula nang pumasok si Sandy sa school namin, simula nang maging kaklase namin siya, niligawan na agad siya ni Michael.

Parang tanga 'di ba?

Bully niligawan ang childhood friend ng binubully niya.

Kaya kahit kinakampihan ako ni Sandy sa mga kaklase kong bully, hindi nila maaway si Sandy. May Michael kasi na pumoprotekta sa kaniya.

Kaso ayaw ni Sandy kay Michael, at ilang beses na niya itong binusted.

Palagi kaming magkasama ni Sandy, kaya mas lalong uminit ang mata sa akin ni Michael at ng tropa niya. Feeling niya, kaya ayaw siyang sagutin ni Sandy, ay dahil sinasabihan ko si Sandy na huwag siyang sagutin.

Kung alam lang niyang ayaw ni Sandy sa mga taong may putok.

Oh, 'di ko sinasabing si Michael 'yon ha.

Secret lang natin 'to.

Pero hanga ako sa mga tropa niya.

Natitiis nila ang amoy ni Michael.

Amoy singit na hindi nilibag. Gano'n.

Maasim na mabaho.

Puta. Ayaw ko na idescribe. Naamoy ko nanaman.

***

Matteo.

Nakaramdam na ako ng antok kaya muli kong tinago sa cabinet 'yung diary.

Bigla kong naalala si Mommy dahil sa diary.

Wala sa sarili akong napatayo para pumunta sa banyo at maghilamos. Nang mahimasmasan na ako, tumingin ako sa salamin.

Si Mommy...

Namatay siya dahil kay Daddy.

Agad akong lumabas sa banyo. Umupo ako ulit sa higaan at muling kinuha 'yung diary sa cabinet.

Alam kong nakalagay sa diary na 'to kung paano namatay si Mommy. Alam kong kinwento ko 'yon. And I want to read it.

Because her death made me suffer. And that suffering helped me to be independent. Yet, weak.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon