November 13, 2016
Maaga akong pumasok ngayon.Una para hindi makasabay ang tatay ko. At pangalawa para agad na pumunta sa canteen at kumain.
Kaunti palang ang mga tao sa school nang dumating ako. Masiyado pa kasing maaga. 'Yung ilan late talaga dumating at nasanay na gano'n nalang ang sistema.
Nang mapatingin ako sa kalendaryo kanina, doon ko lang napansin na malapit na palang magpasko. Ano kayang bagong mangyayari ngayong taon? Bukod sa tulog lang ako buong araw sa dec 25?
Pagkatapos kong kumain sa canteen, dumiretso ako sa room. Nagbasa ako ng mga lesson na hindi ko naaral noong mga nakaraang araw. Wala akong pakialam kung sa bawat dumarating, sinasamaan ako ng tingin. Ano bang paki ko sa kanila? Sila nga walang pakialam sa akin.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na may mga nagbabato na sa akin ng crumpled papers. Hindi ko pinansin 'yon no'ng una, pero nang dumami na nang dumami, hindi ko na nakayanan. Tumayo na ako at lalabas na sana sa room kaso may isang bagay na binato sa akin, dahilan para mawalan ako ng balanse.
Cutter.
Dumaplis sa hita ko 'yon kaya napunit ang pantalon ko. Dumugo rin ang dinaplisan kong hita. Saglit akong nanghina at nawalan ng balanse kaya pinagtawanan nila ako.
Mukhang balik ulit ako sa pagiging lampa.
"Yan ang bagay sa mga lampa na pinipilit maging matapang. Lampa nga e, 'yan lang ang estado mo sa lipunan. Lampa, mahina, duwag, tanga, bobo!" Isa ito sa mga salitang naging dahilan para tumakbo ako palabas ng room.
Mukhang mali na pumasok pa ako sa school.
Kaya heto ako ngayon, nasa banyo. Umiiyak habang nagsusulat sayo. Pinapalipas ko ang oras hanggang sa mag-uwian na.
Ang hapdi pa ng binti ko. Kusa na nga lang natuyo ang dugo mula rito kaya gusto ko nang umuwi para mahugasan 'yon.
Sana hindi nalang pala ako pumasok. Hindi na pala ako tanggap. Ay mali. Matanggal na pala akong hindi tanggap. Bakit ba pinipilit ko pa ang sarili ko rito? Bakit ba sinisiksik ko pa ang sarili ko?
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...