Twentieth Page / December 12, 2016

223 33 2
                                    

December 12, 2016

Pumunta ako sa SM ngayong araw.

Gusto kong magpahangin, gumala.

Pumunta ako sa National Bookstore para maghanap ng mga bagong librong pwedeng basahin. Ilang minuto siguro akong tumitingin-tingin sa mga libro pero wala naman akong mapili. Hindi ko gusto ang karamihan.

Habang namimili ako, may nakita akong libro na maganda 'yung pabalat.

Gusto kong basahin 'yung summarization sa likod kaya hinatak ko palabas ng book shelf. Pero naglaglagan lahat ng libro sa book shelf na 'yon. Nahatak dahil lang sa isang librong kinuha ko.

Hindi ako nahirapan sa pagbabalik ng mga libro, dahil may tumulong sa akin.

Isang babae.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon