Twenty-second Page / December 23, 2016

210 30 5
                                    

December 23, 2016

Sandy left today.

Sa bakasyon daw sila magpapasko ngayong taon. Babalik naman daw sila before New Year's eve.

Ayaw sanang sumama ni Sandy dahil alam niyang wala akong kasama magpasko, pero pinilit ko siyang sumama sa probinsya.

Kung may isang taong nakaka-alam sa galit ko sa tatay ko, that's Sandy.

Pero hindi ko siya makakasama sa pasko ngayong taon. Like the other years. Pero ayos lang naman sa akin, it's not a big deal. Ang big deal sa akin, ay ang pagiging masaya ng tatay ko recently. Para bang ganado siya kahit palagi ko siyang inaaway. Para bang palagi siyang masaya kahit inis na inis ako kapag kasama ko siya.

Hindi ko alam kung sinasadya niya 'yon o ano.

Pero naiinis talaga ako.

Sobra ko siyang kinaiinisan.

Dahil sa kaniya, nagpakamatay si mommy.

Naaalala ko pa, mommy decided to end her life by taking too much drugs. Drug intoxication ang ikinamatay niya. Nalaman kasi niyang may babae si daddy noon, at hindi niya matanggap. Dahil kay daddy, nakalimutan ni mommy na nandito ako, na may anak siyang umaasa sa kaniya. Dahil sa daddy ko, nakalimutan ni mommy na meron pa siyang ako. Na kahit wala na ang hayop kong tatay, may Matteo pa siya na hindi dapat iwan.

Pero iniwan niya ako.

Yet, I'm not mad at her at all. Naiiyak lang talaga ako dahil wala na si mommy. Si mommy na kakampi ko sa lahat ng bagay, ang nagbo-boost ng confidence ko, ang nandiyan palagi para magbigay ng advice sa akin. Si mommy na sana nandito pa sa tabi ko pero dahil sa tatay ko, wala na.

I want my dad to suffer because of what he did. He made me suffer. Wala siyang karapatang ngumiti na para bang wala siyang kahit akong ginawang kasalanan o pagkakamali.

Wait.

I have an idea.

Aalamin ko kung bakit siya masaya. Then I'll stole it away from him.

Wala siyang karapatan na maging masaya dahil hindi naman ako naging masaya simula nang mamatay si mommy.

Hmm...

So, where should I start?

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon