Tenth Page / October 29, 2016

258 45 4
                                    

October 29, 2016

When I was about to thrust the knife into my heart, Sandy came.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako sa room ko, may hawak na kutsilyo, at ang talim ay nakatutok sa dibdib ko.

Agad siyang tumakbo papunta sa akin. Kinukuha niya 'yung kutsilyo sa akin pero pinipigilan ko siya. Ayokong ibigay sa kaniya ang nagiisang bagay na nakikita kong tutulong sa akin. Ang nagiisang bagay na magbibigay sa akin ng tunay na kalayaan. Ang bagay na tatapos sa lahat ng sakit.

Wala akong nagawa nang kagatin ni Sandy ang kamay ko. Nabitawan ko ang kutsilyo na agad niyang hinagis palayo sa akin.

Wala akong nagawa kundi umiyak.

Ulit.

'Yun lang naman kasi ang kaya kong gawin.

Ang umiyak. Nang umiyak.

Bakit kaya may mga taong tulad ko? Bakit ang unfair ng buhay? Bakit may mga taong natutuwa kapag nahihirapan ka? Bakit nakakatawa ang tingin sa'yo ng iba? Bakit mahina ako. Bakit ang lampa ko. Bakit nabuhay pa ako kung ganito lang pala ang mararanasan ko?

Lahat 'yan... tinanong ko kay Sandy.

At isa lang ang sagot niya sa akin.

Wala namang perpektong buhay.

Alam ko 'yon!

Pero sana kung hindi perpekto ang buhay ko... at least sana maayos. Pero hindi e.

Nakakapagod.

Nakakapagod umiyak.

Nakakapagod maging mahina.

Tinaboy ko si Sandy. Sinabi kong gusto kong mapag-isa.

Ayaw niya akong iwan no'ng una dahil baka raw kung anong gawin ko sa sarili ko. But I assured her na hindi na ako magpapakamatay. Na wala akong gagawing masama sa sarili ko. Hanggang sa napilit ko siya at nataboy ko palabas sa k'warto.

And now...

I'm here.

Crying while writing.

Releasing my emotions to something that could barely help me.

***

Matteo.

Hindi ko napansin na umiiyak na rin pala ako.

My 18 years old self... isn't really weak. He's too brave to handle all that emotions by himself. Gusto kong sabihin sa kaniya na proud ako sa kaniya dahil hindi niya tinuloy ang pagpapakamatay niya. Dahil kung tinuloy niya...

Hindi ko makikilala ang asawa ko.

Hindi ako magkakaron ng anak.

Hindi ako magiging masaya.

"Hmmm? Are you okay?" Napabangon ang asawa ko kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Tinago ko rin 'yung diary sa ilalim ng unan ko.

"Y-yeah. Binangungot lang ako," I lied before giving her a smile. I gently kissed her forehead. "Tulog na ulit tayo," I said.

Ngumiti rin siya at tumango bago muling humiga. Mabilis siyang nakabalik sa pagtulog.

I decided to stop reading and continue tomorrow. Tinabi ko sa ilalim ng kama 'yung diary bago ako natulog.

Matteo, the 18 years old, you're so brave. Thank you for staying alive.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon