Twelfth Page / November 4, 2016

263 36 10
                                    

November 4, 2016

Bumalik na ako sa school ngayong araw.

Hindi tulad no'ng dati, wala nang ngiti sa mga labi ko. Ngayon ko lang naisip na peke lang din naman ang mga 'yon. Nakakapagod isuot.

Ang bago sa araw na 'to, parang hindi normal ang lahat.

Ang mga kaklase ko, walang kahit anong ginawa sa akin ngayong araw. As in kahit pitikin ako, pandilatan ng mata o hipan manlang, wala.

Hindi rin nila ako pinapansin which I find, weird.

May ilan na tumitingin sa akin paminsan-minsan at nahuhuli ko. Pero kapag binawian ko na sila ng tingin, babawiin na nila ang sa kanila. Hindi ko alam kung natatakot sila, pero para saan naman sila natatakot?

Lalo na 'yung mga tropa ni Michael at 'yung secret girlfriend niyang si Trisha na mukhang hindi na secret dahil kung makahimas sa katawan ni Michael, akala mo may aagaw sa amoy basura niyang boyfriend.

Hindi sila makalingon, o makatingin sa akin.

Ang mga tanga, mukhang guilty.

Lumapit nga ako sa kanila kanina at bahagya silang napalayo. Nag-uusap-usap sila kaya napatigil silang magto-tropa. Lahat sila napatingin sa sahig at hindi manlang ako dinapuan ng tingin.

Tinanong ko sila kung anong meron. Kung bakit daig ko pa ang may sore eyes at kung bakit ayaw nila akong tingnan.

Ito ang unang beses kong magtanong sa kanila. This time, wala akong naramdaman na kahit anong takot. Hindi ko naramdaman na, uy, si Michael at ang mga kaibigan niya ang kaharap ko. Nawala sa isip ko kung anong kaya niyang gawin sa katulad ko.

Siguro dahil naisip ko na, ano pa bang ikakatakot ko? Handa na nga akong mamatay e. Kaya ko na ngang patayin ang sarili ko, bakit pa ako matatakot?

Hanggang suntok lang sila sa akin. Hanggang asar. Hanggang prank.

Pero ako, kaya kong saksakin ang sarili ko kung gugustuhin ko.

So why to fear now?

Hindi umimik si Michael o ang isa sa mga kaibigan niya.

Dumating si Sandy at niyaya akong mag-lunch.

Even her, acted like she's not her.

Kumalat siguro sa buong school ang nangyari sa akin.

Wow. Instant sikat si Lampa, oh, ako pala 'yung lampa.

Should I thank Michael and his gang for the fame?

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon