Matteo.
Tumayo ako sa higaan.
Dala-dala ang diary, pumunta ako sa sala. Umupo ako sa sofa at doon ako nagbasa. Alam kong may mas grabe pa akong nagawa noon. Alam kong sumobra ang kasamaan ko no'n, to the point na wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa buhay ko.
Sirang-sira ang 18 years old na Matteo.
Pero worth it lahat 'yon dahil ito ako, buong-buo.
Napangiti nalang ako sa kawalan dahil naisip kong napagtagumpayan ko ang lahat ng paghihirap ko noon.
Nagbasa muli ako dahil maaga pa. At hindi na rin ako makalatulog pa hangga't hindi ko natatapos basahin ang diary na 'to.
***
November 16, 2016
Pumunta si Sandy dito kanina.
Umiiyak siya.
Ito ang unang beses na makita ko siyang umiyak. Nagkwento siya nang nagkwento. Tungkol sa nararamdaman niya para kay Chad. Hindi na raw niya ito mapigilan, at kahapon, nasabi na niya kay Chad na mahal niya ito.
Pero hindi tinanggap ni Chad 'yon.
Kaya buong gabi siyang umiiyak. At gaya ko, hindi rin siya pumasok ngayong araw. Pumunta siya rito para sabihin kung gaano siya nasaktan. Gusto niyang may masandalan sa mga oras na 'to.
Pero hindi ko nagawa.
Ganon na ba ako kasama ngayon?
Gusto kong puntahan si Chad at sapakin dahil sa ginawa niya kay Sandy.
Pero kung tutuusin, wala namang kasalanan si Chad kung nagustuhan siya ni Sandy, 'di ba?
Hanggang gabi kasama ko si Sandy.
Hanggang ngayon, actually. Nasa kama ko siya at kakatulog lang. Mugto ang mga mata. Ito ang unang heart break niya.
Pero hindi ko manlang siya nabigyan ng kahit anong advice.
Sa sofa nalang ako matutulog. Alam naman ng mommy niya na nandito siya.
Sana nandito rin si mommy. Sana talaga.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...