Eleventh Page / October 30, 2016

264 41 11
                                    

October 30, 2016

Pumunta si Sandy sa bahay kanina.

Marami siyang kinwento sa akin.

Nakangiti siya simula nang dumating siya. Nakangiti siya habang nagkukwento sa akin. Nakangiti siya na para bang wala siyang nakitang suicide scene no'ng nakaraang araw.

Alam kong pinipilit niyang ngumiti sa harapan ko para sabihing walang problema. Pinipilit niyang ngumiti para mahawa ako, para maging masaya ako.

Inaamin ko, masaya akong nandito siya.

Pero hindi sapat 'yung saya na 'yon para gumaan ang pakiramdam ko.

Kwento siya nang kwento.

Nakwento niya sa akin na may crush na raw siya sa school.

Si Chad.

Kaklase rin namin.

Sa dami ng mga kwento niya, 'yun lang ang naintindihan ko.

Siguro mga dalawang oras siyang nasa kwarto ko. Nagkukwento.

Wala naman akong sinasagot o sinasabi habang nagsasalita sya. Kaya siguro nang mapagod siya, umalis na rin siya. Ang sabi niya i-text ko nalang siya kung may kailangan ako. O kung kailangan ko ng kausap.

Tumango lang ako pagkatapos ay umalis na siya.

Five minutes pagkatapos niyang umalis, pumasok naman si Daddy sa kwarto.

Para siyang maiiyak.

Siguro kinwento sa kaniya ni Sandy 'yung dapat kong gagawin. Na magpapakamatay dapat ako.

Kinamusta niya ako. Sinabi na buti napigilan ako ni Sandy kundi, mag-isa nalang siya sa buhay.

Wow ha.

Nasasaktan pala siya.

Pinalabas ko siya sa kwarto.

Ayoko siyang makita. Ayoko siyang maka-usap. Ayoko sa kaniya.

Buti lumabas siya dahil ako ang lalabas kung hindi siya umalis.

Ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko. At sa puntong 'yon, wala akong ibang nagawa kundi matulala sa kawalan.

Nagsulat nalang ako sa diary na 'to nang bumalik ako sa katinuan.

Ang buhay ko...

Walang kwenta.

Kung sana nandito si Mommy. Edi sana may kakampi ako. Sana may dahilan pa ako para mabuhay kahit papano.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon