Maaga akong nagising. Mas maaga sa asawa ko.
Gusto ko pa sanang matulog dahil 4 am palang ng umaga. Pero pumasok sa isip ko 'yung diary.
Umayos ako ng upo at binuksan 'yung lampshade na nasa gilid ng kama.
Kinuha ko 'yung diary sa ilalim ng kama.
Ngayon ko lang mas napagmasdan ang itsura nito.
Punit ang ilang mga pahina. Pero nakadikit 'yon sa tulong ng tape. May mga pahina ring parang nabasa at pagkatapos natuyo nalang sa katagalan. Sa bandang huling mga pahina, gusot-gusot na at ang ilan ay may bahid pa ng dugo.
Napakunot tuloy ang noo ko dahil hindi ko maalala na nagsulat ako noon habang may sugat sa kamay. Wala akong maalala na nagsulat ako ng may dugo...
Na-curious tuloy ako kaya kahit nasa bandang hulihan pa, binasa ko na.
***
February 14, 2017
Sandy...
Sandy died.
***
Matteo.
I immediately closed the diary.
'Yun lang ang laman ng pahina na 'yon.
Pero sobrang daming ala-ala na pumasok sa isip ko. Si Sandy... namatay siya no'ng 18 pa lang ako dahil sa...
I re-opened the diary. This time, binalik ko sa kung saan ako nahinto kagabi. Ayokong mabasa agad ang huling mga pahina. Tingin ko, mas masakit ang mga 'yon.
BINABASA MO ANG
Diary of a Feeble
AdventureHighschool Stories #1 | Falling allows us to stand firmer. *** An epistolary, short story. We all have our stories to tell. From our childhood to our teen age years, until to the present day where we become the better version of ourselves because of...