•~Chapter 4: My First Day in R.E.A. (Part 1)~•

8.6K 223 7
                                        

[Edited]

Chapter 4: My First Day In R.E.A. (Part 1)

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:

Sa ngayon ay naghahanap ako ng chair na pwede kong i-occupy, pero ang nakikita ko lang na bakanteng upuan ay yung nasa pinakalikod. Dalawang walang naka-upo pero yung isa ay may nakapatong na bag. Katabi ng bintana at ni Brendon ata yung isa pa. No choice. Doon na lang ako uupo. Nasa pinakalikod na row pa talaga sila. Buti na lang ay anim na upuan ang nandoon.

Nang maka-upo na ako ay nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin yung Brendon kaya medyo inayos ko na lang yung glasses ko out of uneasiness. Nung ginawa ko yon parang natauhan sya at inalis ang tingin sa akin, bumaling sa katabi niyang si Chandler ata tsaka sila nagharutan. Medyo magulo, yes, but I can manage. I actually think na cinoconsider nila yung presence ko kaya di sila ganoon kagulo. Medyo napansin ko kasi na restricted mga galaw nila.

"Excuse me, Miss?" Pagkuha ng pansin sa akin nitong katabi ko.

I can't help but be a bit startled due to his sudden speaking. "H-Huh?" Gulat kong bigkas tsaka lumingon ng dahan-dahan.

"Hehe. Sorry kung nagulat kita." He faked a cough. "You new here?"

Sasagot na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nasa mid to late 40s. What caught my eyes was her leopard-print cateye eyeglasses. Angat na angat yung kulay nung glasses ni Ma'am dahil sa medyo maputla ang skin tone niya.

"Good morning, Mrs. Emela!"  Sabay-sabay na bati ng lahat pwera sa akin.

"Good morning, too. I believe a transferee is supposed to be present today. Can you please stand up here in the front and introduce yourself?" Mrs. Emela said while roaming her eyes among her students. Medyo nanigas ako sa kinauupuan ko kasi buong buo yung boses ni Ma'am. Then, it landed on me. Minatahan niya ako na tila sinasabing, "Bakit hindi ka pa tumatayo riyan?" Brr... Katakot.

"U-Um... H-Hi? Um... I'm Andrea Dela Cruz, 17 years old. A transferee from Alexzandra Academy-" bago ko pa matuloy yung sasabihin ko ay bigla na lang napuno ng samu't saring litanya ang klase.

"Alexzandra Academy? As in yung mahigpit nating kalaban sa basketball?"

"Gosh! Alexzandra Academy! As in THE SANTIAGO MONTEVISTA's school! Kyaaah!"

"How come that an ugly girl like her studied there?"

"Diba? I heard lahat ng nags-study there ay pretty and pogi only. I can't make kita where ang pretty sa kaniya. She is so manang kaya."

"Class! Shush! Let her finish!" Galit na sabi ni Mrs. Emela kaya bigla silang tumigil. "Please continue now, Dear," sabi sakin nung teacher namin pero umiling na lang ako. May karugtong pa sana yung sasabihin ko kaso nalimutan ko na, hehe.

"That's all po. Thank you," sabi ko sabay bow ng forty-five degrees.

"Okay. Call me Mrs. Emela nothing else. I'm your teacher for General Mathematics. Go and take your seat."

Habang papalapit na ako sa desk ko ay may biglang nagstretch ng binti nya kaya natapilok ako. Kaya biglang napuno ng tawanan ang room namin.

Ang sakit! Nung paglingon ko para malaman kung sino yung nagtapilok sa akin ay nakita ko ang tinutukoy nang nakararami na Queen Bee ng school na si Kristine Mendoza na natawa kasama ang mga alipores niya. For information's sake, nalaman ko yung name niya dahil nakita ko yung name niya sa comment section ng page ng school. Karamihan sa negative comments ay siya ang laman. I searched for her Facebook account, Instagram, and Snapchat to take note of her if ever I get to face her. Then, I noticed that she was posting photos of herself with these certain girls sa background, so I took note of them, too.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon