*~Chapter 11: Performance (part 3)~*

7K 154 3
                                        

[Edited]

Special dedication and credits to joisuyamato for the cover!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

CHAPTER 11: Performance(part 3)
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Andrea's POV:

Grabe si Andrei... Hindi ko na maalala yung huling beses na sino-snob niya lang ako! Help me! Kasi ba naman palagi na akong inaasar tapos kapag napipikon na ako, tatawanan lang ako! Nasaan na yung pangisi-ngisi lang sa gilid?

Somebody snapped fingers in front of me that brought me back to reality. "Um... Andrea? Your face creeps the hell out of me," sabi ni Bren.

"Oh! Ano nga ulit pinag-uusapan?"

"So, as I was saying, you and Andrei should do your best in performing for the nationals, not only for the prize, but for your own happiness. Always remember this, enjoy what you're doing and show them what you've got. Fighting!" Sabi naman ni Ed na nakipag-fist-bump pa sa hangin. Pagkatapos ng aming mini meeting ay nag-practice na ulit kami ni Andrei. Ang galing niya sa paggamit ng electric guitar, grabe! Mas lalo siyang nakakadagdag ng appeal. Pero! Wala akong gusto sa kaniya ha! Bwiset na yan! Hay nako, back to practice na nga lang. Ay nakalimutan kong sabihin na bukas na yung N.P. kaya no hassle naman. Wala naman diba? Diba?

"Mag-focus ka, Andrea! Lumilipad na naman ang isip mo," dinig kong sabi ni Diane. Nag-pakita na lang ako ng peace-sign bilang sagot.

Nasa Music Room kami ulit ng school pero ngayon ay hindi naririnig ng mga estudyante na nagp-practice kami unlike nung araw na aksienteng na-broadcast sa buong school yung pagtugtog ko.Sheesh! Nakakahya pa rin talaga. Buti na lang uwian na noong time na yun.

"Wag mo kasi ako masyadong isipin. Baka kung mapano ka riyan. Haha!"  Bulong ni Andrei na nasa tabi ko lang. Kaya inapakan ko lang naman yung paa niya, or should I say tinadyakan , kaya napasigaw sya sa sakit.

"Ouch! Why did you do that?!" Inis na sigaw na tanong sakin ni Andrei. Naka-ngising nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot.

"Andrei, Andrea! What's happening there?" Tanong ni Ed.

"Wala naman!" Sigaw ko pabalik. Binelatan ko muna si Yelo bago magsimula muli.

Everything was going well not until I was distracted by an ant crawling on one of the keys. "Oops! Hehe, sorry." Napadiin yung pagkaka-press ko sa key. Tatanggalin ko lang naman yung langgam, kakaloka.

"From the top!" Sabi ni Bren.

"Psh. Idiot," sabi nung katabi ko. Aba! Idiot daw, eh kung ikaw kaya yung dito! Pabiro ko siyang inambahan ng suntok pero nung lumingon siya sa banda ko ay bigla kong ibinaba yung kamay ko. Pero dahil biglaan ay hindi ko sinasadyang ma-smash ang keys sa keyboard na nagdulot ng malakas na ingay.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon