*~Chapter 6: Their Second and Third Meet~*

7.2K 206 8
                                        

[Edited]

Chapter 6: Their Second and Third Meet

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:

I was waken up from my sleep when the alarm clock rang. I immediately fixed my bed before taking a shower. Siyempre hindi porket anak-mayaman ako ay hindi na ako marunong gumawa ng mga gawaing-bahay. After that, I did my daily morning routines, then pumunta na ako sa cafeteria para mag-almusal.

I ordered the bacon and egg meal since I always take heavy breakfast. And here goes my daily pain of finding a vacant seat. Fortunately, agad akong naka-hanap pero nung palapit na ako dito inagawan at nginisian pa ako ng mga umagaw nung table. Reaction ko? Malamang nainis. Umalis na lang ako roon para di na ako makagawa ng eksena.

Paikot-ikot lang yung tingin ko upang makahanap ng makakainan ulit. Kagigil eh.

Fortunately, again, nakakita ako ng table sa sulok ng canteen. Napangiti na lang ako sa loob-loob ko dahil alam ko na wala nang makakakuha ng pwesto ko roon kaya nilapitan ko na ito agad bago pa may makakuha nito. At di nga ako nagkamali na wala talagang nakakapansin nung table dito kaya I ate peacefully. Naistorbo lang nang may narinig akong hiyawan mula sa mga babae rito sa canteen.

"KYAAAAAH! Yung M5 nandito!

"Ang gwapo talaga ni Ed!"

"OMG! Si Justin mylabs!"

"Bren! Sakin ka na lang!"

"Andrei! Bakit kasi ang gwapo mo! KYA!"

Di ko na lang sila pinansin kasi baka may inutos lang yung dean kaya sila nandito. Kasi as much as I can remember, may tambayan sila dito sa R.E.A. at doon sila kumakain, hindi dito sa canteen. Ewan ko lang kung bakit sila nandito noong first day ko rito.

Hindi na ako nakakarinig ng mga tili ng mga babae, kundi ay mga bulongan na nila na naririnig ko.

"Bakit nilalapitan nung M5 yung nerd na yun?"

"Doon ba papunta?"

"Oo, kasi tignan mo girl, diretso lang yung lakad nila Andrei papunta roon sa nerd."

"Psh, baka ginayuma lang niya yung mga prince charming natin kaya siya nilalapitan."

"Tss, witch!"

Pagkatapos nilang magbulongan ay umalis na rin sila at nakaramdam ako ng mga presensya ng mga tao sa likod ko pero di ko pa rin yun pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko dahil gutom na gutom talaga ako.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon