*~Chapter 12: Performance(part 3.5)~*

5.1K 123 0
                                        

Wala po dito sa update yung internationals, sa next ud pa po yun. Para lang po ipahinga ang aking brain sa pag-iisip ng kakantahin nila.

Ayy! Isa pa po. Yung mga kinakanta po nila sa contest random lang po yun. Yung para bang hindi siya connected sa flow nung story. Ganoon po. Baka po kasi naguguluhan kayo kung bakit ganon yung mga kanta.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
CHAPTER 12: Performance(part 3.5)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Andrea's POV:

Hayy, grabe yung saya na naramdaman ko nung sinabing kami yung nanalo pero kasabay rin noon ay ang kabang bumalot sa buong katawan ko dahil buong Pilipinas ang dala namin doon. Ang sabi sa amin ni Dean ay mayroon lang kaming isang buwan para practicein yung kanta na kakantahin namin at hanggang ngayon ay wala pa kaming napipili. At speaking of Andre, bigla ko tuloy naalala yung nangyari noong isang araw pagkatapos namin maka-uwi sa R.E.A. ...

Flashback...

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng dorm ko. Kaya ginawa ko muna yung morning routines ko bago ako lumabas. Oo nga pala, sabi sa amin ni Dean ay magpahinga raw muna kami ng isang araw kaya hindi ako papasok ngayon sa klase. Pagkatingin ko sa orasan ay alas otso palang naman pero bakit ang ingay sa labas?

Nilibot ko muna ng tingin yung labas nang may nahagip ng mga mata ko ang kumpulan doon sa may parang entrance ng Boy's dorm. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na matangkad na lalaking pinapalibutan ng mga babae pero nedyo may distansya pa rin dahil na rin siguro sa intimidating aura niya. At siguro naman alam niyo na kung sino yun. Walang iba kundi si Yelo.

Nakasilip lang ako sa kanila mula sa palapag kung nasaan itong dorm ko. Medyo magkalapit lang naman ang mga dorms ng babae at lalake dito sa R.E.A. kaya kitang kita ko yung nangyayari kay Andrei ngayon. Nakita ko siyang naglilibot ng paningin sa paligid niya nang mapadaan sa akin yung tingin niya at tinignan niya ako na parang humihingi ng tulong pero nginitian ko lang siya ng nakakaloko at nagkibit-balikat. Nakita ko pa ngang sumama yung tingin niya sakin pero binalewala ko na lang yun.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon