Chapter 30: Doubts and Mafia(part 1)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:Yesterday went well after being called by our dean, except the deadly glares Kristine and her so-called friends, which were really mga alipores, give me. They are not really bugging me, because the M5 and the bruhildas are with me.
Today's another day and another day's today. Charot. Nandito ako ngayon sa rooftop. Bakit? dahil ang presko ng hangin dito tuwing umaga. Tinext din ako nina Mel na pupuntahan nila ako dito, wait lang daw. Actually, that was already 5 minutes ago. Malamang napagod yun sa hagdan kahit na may elevator pero dahil kasama nila Diane na body concious, mas gusto nyang mag hagdan para exercise daw HAHAHAHAHA.
"Andrea! Wengya ka! Anong trip mo at dito pa talaga sa rooftop mo balak pumunta, ha?!" Pasigaw na sabi ni Chelle habang hinihingal pa. Sabi na eh HAHAHAHA.
"Pwede naman kayong mag-elevator ah?" Pa-inosente kong sabi sa kanila pero sa kaloob-looban ko humahalakhak na ako sa tawa.
"K-Kilala mo naman t-tong si Diane. Ma-malakas topak sa ulo nyan eh." Hinihingal din na saad ni Mel.
"Maayos lang naman yung ginawa natin ah? Para narin tuwing P.E., di kayo mabilis hingalin. Ay Andrea! Gawin nga natin 'to araw-araw? Pero sa field naman." Suggest pa ni Diane. Si Adelle, siguro athletic naman yang babaeng yan kaya walang problema sa kanya kung sakaling mag-morning exercise kami.
"Sige, ayos lang sakin." Nakangiti ko pang sagot. At dun na nagreklamo yung dalawa. HAHAHAHA.
"Pero akala ko ba nerd ka, Andrea? Bakit parang ang athletic mo? Diba ang mga pangkaraniwang nerds laging libro lang ang katapat?" Natigilan naman ako sa tanong ni Mel. Hala! Ano isasagot ko? Na 'di talaga ako nerd? Ganun?
"A-Ah... K-Kase... P-Para maging healthy, ganun na nga. Para maging healthy k-kase nabasa ko na makakasama a-ang 'di pag-eexercise. Kase kapag di mo na-eexercise katawan mo, may mga complications na magaganap na pwedeng magdulot ng iba't ibang sakit sayo." Pautal-utal pa na sagot ko. tunog defensive ba yung pagkakasabi ko? Sana hindi.
"Ahhh... Okay." Nagdududang saad ni Mel.
"Sooo... Tara na sa room? Malapit na mag-time." Pag-aaya ni Diane samin kaya nagreklamo nanaman yung dalawa na kesyo 'maghahagdan nanaman' daw tsaka bago pa daw makarating sa room 'dugyot-ers' na daw sila. Tinatawanan nalang namin sila ni Diane at Adelle dahil sa magiging 'dugyot-ers' ang kahihinatnan nila.
Lumipas ang morning period na maayos naman. Sa kabutihang palad ay naka-highest ako sa long quiz namin sa math at english at ganun din sa short quiz sa AP. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa rooftop ulit para dun nalang kumain dahil nagluto nalang kami ng packed lunch para di na kami pumunta sa cafeteria nang makasalubong namin si Ed na mag-isang naglalakad. Napansin ko namang biglang napa-iwas ng tingin si Mel at nakatungo na kung maglakad. Kinawayan ko naman sya nang mapadako yung tingin nya sakin at ganun din ang ginawa nya pabalik.
Nang makalapit na sya samin ay sinabihan ko sya na sa rooftop kami kakain ngayon at dahil nagustuhan nya yung ideyang yun ay sinabi niyang hintayin sila at sasabihan nya yung apat na mga kaibigan nya na tinanguan ko nalang kaya dali-dali na siyang umalis. Ipinagpatuloy naman namin yung paglalakad namin hanggang sa makarating kami sa rooftop.
May napapansin na talaga ako! Ano ba yan! Oo na! Alam kong di pa nila kayang sabihin pero-naman eh! Noong una, si Chelle dun sa cafeteria. Sunod naman si Mel! Biglang natahimik noong nandiyan si Ed. Ano ba talaga! Baka mamaya makita ko nalang si Adelle nagkakaganyan narin pati si Diane. Aish!
"Uy, Andrea. Kanina ka pa tulala. Anong iniisip mo? Parang ang lalim naman ata niyan." Tanong ni Adelle. Pinagmasdan ko yung lugar kung nasan kai at napag-alaman kong nasa rooftop na pala kami.
"Ah, sorry. Wag mo nalang pansinin. Wala lang yun." Nakangiti kong sagot.
"Okay, pero pag may problema ka, wag kang mahiyang magsabi ah?" Sabi nya sabay pat sa balikat ko at pumunta na kina Chelle na nasa may railings.
"Yow! Nandito na kami!" Biglang dating nina Bren na may dalang paper bags. Siguro pagkain nila yun.
"Oh! Ilapag nyo nalang yan diyan." Sabi ko sabay turo dun sa parang lamesa na nakalagay dito sa rooftop. Lumapit naman sya dun at nilapag yun.
"So... Ano na? Kakain na ba agad o may gagawin muna?" Pagbabasag ni CJ sa katahimikan.
"Siguro magpa-appetizer muna tayo. Ano?" Suggest ni Ed na sinang-ayunan naman namin."Maglaro nalang tayo nung Mafia. Madali lang naman yun laruin. Madali lang naman yun." Suggest ni Adelle.
"Sige, pano ba yan?" Pagsang-ayon ni Justin at nagtanguan lang sina CJ, Bren at Ed, samantalang si Andrei ay nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha.
Nakaka-excite naman! Ngayon ko lang narinig yung larong yun. Sana di nun kainin oras namin.
[A/N: Kung alam nyo yung laring Mafia, you can skip this instruction part]
"Bale ganito yung nga gagawin. Sa isang maliit na papel, magbubunutan kasi tayo mamaya, may makikita kayo doon na role na gagawin nyo. 'Pag nakita nyo na yung nasa loob nung papel na nabunot nyo, wag nyo sasabihin kahit kanino. Kapag nabunot nyo yung killer, kikindat kayo ng isang beses sa taong gusto mong patayin, but be cautious dahil hindi mo nga alam kung sino yung balak mong patayin. Kapag doctor naman ang nakuha mo, you'll blink twice sa taong namatay na or out of the game, rather. Sa makakakuha ng police, you better watch the gamers' eyes with watchful eyes. Why? Because once you arrested the wrong person, you'll be receiving a dare from the judge. Sa judge naman, or the dare-maker, okay lang na ma-out siya dahil kahit na ma-out sya tuloy parin yung pagbibigay ng dare, as long as nahuli nung police yung killer. The civilian, walang kwenta yung role na yun actually, will receive a punishment if he or she was once out of the game. Kahit na buhayin pa sya nung doctor ay makakatanggap parin sya dahil nahuli sya nung killer." Mahabang pahayag ni Chelle.
"If you, or the civilian were killed, you'll say 'I'm dead', except for the police dahil once na nahuli sya ang sasabihin nya ay 'I lose' dahil napatay sya nung killer before he could even arrest him. If the civilian is once again back at the game, he or she'll say 'I'm alive', which means that player is back at the game. The police will say 'You're under arrest' to the player whom he or she thinks is the killer and point at him or her a gun-forned hand. May kulang pa ba? Oh! Remember: don't reveal your role unless the game is over." Sabi naman ni Mel.
"One question." Si Ed. "When will the game be over?"
"Once the killer killed all the participants or once the police arrested the correct or wrong person." Pagsagot naman ni Diane.
"Okay na? Oh! Bunot na!" Ay waw! Di naman halatang excited si Mel eh 'no? Wala naman akong ibang gagawin kundi tignan yung mga mata nila diba? So bumunot na ako at kung sinuswerte ka nga naman! Hahaha! Nag-eenjoy ako nito. Ang nabunot ko lang naman ay ang...
Judge!
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
So ayun. Part 1 muna kase magiging sobrang mahaba ito kung di ko hahatiin. Magiging boring naman kung sobrang haba. Ako mismo sobrang tinatamad magbasa pag sobrang mahaba yung babasahin.Guys! Tulungan nyo ko! Ipinasok ko po itong story sa Wattys 2018 so please vote and comment in every chapter that I will update. Jebal!
Don't forget to:
Vote...
Comment...
Share this story...
That will be greatly appreciated.Love hearts for all!☺❤
~EpiphaNielleJoy (Joy)
BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Teen Fiction[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...