I know right! Hahahahahaha! Update!
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Chapter 27: In The Mall(part2)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:"Okay! Let's start!" sabi ko sabay tingin sa kanya. Eh? Nakabusangot parin? Tsaka bakit parang ang baho? "Oh? Problema mo't nakabusangot ka?- At teka! Di pa 'to kasali sa mga tanong ah!"
"Wala." Sabi niya pero di parin siya tumitingin sakin.
"Utut mu pu! Ayos kasi! Ano nga?" Hehehe. Nagawa ko pang mang-asar pero panigurado iirapan lang ako niyan. At totoo nga! Inirapan nga ako ng loko pero buti nalang at sumagot siya. Pero yung sagot niya yung nagpatawa sakin ng bongga.
"N-Naka-apak kasi ako ng... T-Tae ng aso." Nahihiya pa siya sa lagay na yan ah! Ang pula ng tenga niya! Pero...
"BWAHAHAHAHAHA~" Tuloy-tuloy na pagatawa nalang ang nagawa ko aba! Kaya pala ang bantot. Hahahahahaha.
"Sige tawa pa." Inis na sabi niya.
"Okay, sabi mo eh. HAHAHAHAHAHAHA~" Nakakatawa kasi talaga yung mukha niya eh. Halatang asar na asar na siya at bahong baho na sa naapakan niya.
"Aish." Napakamaot pa yan ng ulo niya pero maya-maya ay nakisabay narin sa pagtawa ko.
"HAHAHAHAHAHA~" Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wapakels lang kami.
"Pfft... Okay oka- pfft... Okay! Tama na! Hugasan na muna natin yang sapatos mo. Tara dun sa may gripo." Sabi ko sakanya sabay hila. "Ayan! Buksan mo yung gripo tapos ikiskis mo yung sabatos mo sa bato habang nag-foflow yung tubig. Tapos pag okay na, sa damo mo naman ikiskis yang sapatos mo." Sinunod naman niya yung sinabi ko. Aba! Dapat lang no! "Oh ano? Ayos na ba?" Tumango nalang siya nilang sagot kaya hinila ko na ulit siya pabalik sa kina-uupuan namin kanina.
"Oh? Sino una?" Sabi niya.
"Ako nalang muna. So... Ano ba pwede? Ah! Basics muna. Dahil alam ko naman na yung pangalan at age mo, kailan birthday mo?" Habang sinasabi ko yun ay nakatingin lang siya sa akin. "Hep! Walang dapat akong maririnig na pamimilosopo at sarcastic na mga sagot mula sayo at ganon dun sakin. Okay, sagot na." Mukha kasing babarahin ako ng loko.

BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Fiksi Remaja[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...