•~Chapter 7: M5 TO THE RESCUE!~•

7.3K 204 23
                                    

[Edited]

Chapter 7: M5 TO THE RESCUE!

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:

"What are you doing here?" His deep voice sent shivers down my spine. The chills! THE FREAKING CHILLS! Brr...

Teka... Ano nga bang ginagawa ko?

Napatingin ako sa aking kamay. "Nababasa?" Parang mas tunog nagtataka pa ako na nagbabasa ako. Shemay. "Uh... Oo, nagbabasa nga ako. Um... Nagbabasa ako ng... libro..." I trailed off dahil nagmumukha na akong ewan. Bakit di ako makapag-isip ng maayos na sagot? Dahil ba sa gulat? Ang O.A. naman ng gulat, self. Self-proclaimed above average katalinuhan mo pero simpleng sagot para sa isang simpleng tanong di ka makapag-isip?

"Bakit ba pag kinakausap mo ako nauutal ka?" He pondered.

Hmm... Saglit lang, pag-iisipan ko... charot.

I don't know if that question's for me, but I might as well answer para hindi siya mapahiya, right? If ever he really asked me that question, then his curiosity will be fed. If he just unconsciously blurted that out, then it's still good for him kasi hindi siya napahiya. It's a win-win for him.

"Ewan... Siguro dahil ang cold mo? At nakakatakot yung aura mo? Siguro lang ha, hindi ako sure." He snickered. Eh? EH?! O to the M to the G! That's a first...

Nagulat man na umalis siya sa pagiging cold niyang character, kailangan ko pa rin yon tuldukan. Bakit? Ayoko naman agmukha siyang baliw. Kawawa si mamang pogi. Gandang lalaki tapos baliw pala? Nako nako nako. "Bakit? Anong nakakatawa?"

"You know, nakakatawa ka. Natatakot ka sakin, pero wala pa naman akong ginagawa," sabi niya na parang natatawa. Then, parang natigilan siya at biglang bumalik ang cold character niya at ang blangko niyang expression. May multiple personality disorder ba siya? Bipolar? In fairness, pwede siyang mag-artista kasi ang bilis niya magpalit ng emosyon "Paano... nakita... may ginagawa?" I think bumubulong siya kasi nakikita ko yung paggalaw ng labi niya tapos biglang ngumingisi pero hindi ko naman naririnig. Pero ano raw?

Mukha naman na siyang baliw, so no difference naman kung iiwan ko na siya ditong ngingisi-ngisi pa, 'no? "Um... Sige, mauuna na ako, malapit na yung next class." Tumayo na ako at buti na lang ay hindi na niya hinablot ang kamay ko this time.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay nakaramdam ako ng pagtawag ni Inang Kalikasan. Number 1 daw. Pagkatapos kong umihi ay papunta na dapat ako sa room nang may bumangga sa akin dahilan para mapa-upo ako sa malamig na tiles ng corridor. Ouch! Isang mahinang pag-daing ang lumabas sa bibig ko pero sa totoo lang ang sakit talaga. Parang namanhid yung puwet ko sa impact ng pagbagsak ko.

"Diba sinabi namin sayo na layuan mo na ang M5?" Gigil na hiniklat ni Jen sa aking buhok. "Pero anong ginagawa mo?! Lalo mo pang nilapitan!" Hiyaw niya pa at sinampal ako gamit ang libre niyang kamay na siyang ikinatigil ng mga tao sa paligid namin at nakinuod na akala mo may palabas.

Palagi na lang ba sila manunuod lang kapag may ganitong nangyayari sa kapawa nila estudyante? Wala man lang kikilos para ipagtanggol ako? Wala bang ESP na subject dito noong junior high? Values class? Pero hindi ba dapat common sense na yun na kapag may nakita kang gumagawa ng mali, it's either pipigilan mo or

"H-aray-Hindi ko naman sila nilapitan..." sabi ko habang naiiyak dahil biglang lakasan ni Jen ang pagsabunot sa ain na halos tanggalin na yung anit ko.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon