Chapter 43: Surprise!
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:Dalawang araw na ang nakakalipas at nabuburyo na ako dito sa bahay! AAAHHH!
Wala akong magawa. Nakakatamad namang manood ng tv, kumain ng kumain, matulog ng matulog. Pare-parehong mga mukha lang din ang nakikita ko rito.
Gusto kong lumabas! Gusto kong makalanghap ng hangin na hindi nakapalibot sa bahay. Anong pinagkaiba diba? Wala lang. Gusto kong sumama sa pamimili ng grocery pero hindi nila ako pinapayagan. So basically, nakakulong ako dito sa bahay.
Nung isang araw, nandito sina Kuya JJ kasama Ang pamilya niya. Hindi naman ako masyadong na-bore nung araw na iyon kasi nilaro ko yung anak nila, si Baby Joseph. Tinuruan din ako ni Ate Carol mag-bake. Actually, may cake shop siya as her business. And I tell you, masarap talaga yung pastries nila.
Medyo may pasilip din sa akin si Kuya JJ sa magiging trabaho ko in the future. Yung pinakamadali muna yung pina-try sa akin ni Kuya. Mahirap talaga siya pero nang dahil sa guidance ni Kuya, mas naintindihan ko siya at mas naging madali ang trabaho.
My happy hours are already over kasi kahapon pa sila umuwi. Mataas ang demand sa pastries nina Ate Carol at si Kuya JJ naman ay inaasikaso ang production ng bagong products ng Chandrea's.
I even told him to teach me how to handle Chandrea's para kahit papaano ay mabawasan ang mga ginagawa niya, pero tumanggi siya dahil highschool student pa lang daw ako. That's why I made a deal with him that if I graduate highschool, I'll be the one to handle Chandrea's as I take up business ad for college. It can also be my training ground, though. Fortunately, he agreed. I'm really really really excited to handle it. I believe I have the ability to manage my time wisely.
Ngayon, nakahilata lang ako sa kama't nakatitig sa kisame. Napabuga na lang ako ng hangin dahil Wala akong maisip na gawin.
Nakatitig parin ako sa insane nang may biglang kumatok sa pinto't nagsalita, "Chandrea, hija, pinapatawag ka ng mama mo. Sabihin mo na raw yung mga pangalan ng mga nais mong imbitahan sa iyong birthday."
"Sige po, Manang. Bababa na po," sagot ko at tumayo na para buksan ang drawer ng side table ko. Kinuha ko mula roon ang isang papel na naglalaman ng mga pangalan ng mga gusto kong imbitahan.
"Sige, bilisan mo raw dahil may pupuntahan daw kayo." Bigla kong binuksan ang pinto dahil sa gulat at ganoon din si Manang Phe. "Jusko! Ikaw na bata ka. Aatakihin ako sa puso dahil sa iyo eh," napahawak sa pusong saad ni Manang.
"Talaga po, Manang? Lalabas po kami?" Ang aking ngiti ay tila umabot sa aking mga mata nang tumango bilang sagot si Manang. "Yes!"
Excited akong bumababa ng hagdan para mapuntahan si Mama sa salas. Naabutan ko siya roong hindi lang nag-iisa. May kasama siyang apat na babae na nakatalikod sa aking direksiyon. Parang pamilyar sa akin ang likod nung apat na babaeng iyon ah. Ay hindi, sobrang pamilyar pala.
"Oh, anak. Halika rito," biglang saad ni Mama kung kaya't napatingin sa akin ang apat na babaeng iyon at sumigaw sila.
"SURPRISE!"
Nanlalaki ang mga matang napatili ako sa saya. "OH MY GOSH!" Nagtatakbo ako palapit sa kanila at ganoon din sila sa akin para yakapin ang isa't isa. "Na-miss ko kayo, grabe!" Sabi ko sa gitna ng aming pagyayakapan.

BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Dla nastolatków[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...