•~Chapter 15: Apology In The Rain~•

5.1K 137 7
                                        

Chapter 15: Apology In The Rain
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Andrea's POV:

Nandito ako ngayon sa garden nitong R.E.A. Sabado ngayon kaya naman ay tumatambay lang ako rito. Walang mga estudyanteng dumadaan dito. Bakit? Siguro dahil lumabas muna sila ng school para mamasyal.

Kakatapos ko lang kumain ng almusal kaya naisipan ko na pumunta rito para magpa-baba ng kinain at pagkarating ko naman dito ay naupo ako sa ilalim ng isang puno na may mga malalagong mga dahon. Kinuha ko yung pocket book kong inilagay ko sa bulsa ko kanina bago kumain ng almusal. Fantasy yung genre niya, at in all fairness sa author nito kasi para ka talagang nasa mundong ginawa niya sa pamamagitan lang ng mga salita at ang imahinasyon ng mambabasa.

Actually, this past few days ay hindi ako pinapansin ni Yelo. Siguro naisip niya yung sinabi niya noong isang araw. Sabagay, di ko pa siya kayang harapin, 'no! Nakaka-ilang kaya.

Nasa part na ako kung saan umaatake na yung kalaban nung bida tsaka naman may biglang sumulpot sa tabi ko at nagsalita.

"Hello, Andrea," sabi nya sakin kaya naman nagulat ako.

"AY HALIMAW NA MAY SAMPUNG PAA! Ano ba?! Kita naman nagbabasa yung tao eh," kunyareng inis na asik ko.

"Hehe. Peace!" Sabi niya sabay pakita ng dalawang daliri niya na naka 'peace-sign'.

"Psh. Ano bang ginagawa mo rito, Ed, at nang-iistorbo ka sa mga nananahimik?" Mapang-asar kong tanong. Oo, si Ed yung parang kabuteng sumulpot sa tabi ko.

With his pouted lips, he said, "Grabe ka sa akin, Andrea. Nakita lang naman kitang mag-isa rito eh, kaya nilapitan kita." Isa lang po ang masasabi ko. Ew.

"Kadiri! 'Di bagay sayo naka-pout! 'Wag mo na ulitin, ha? Bilang isang bubutihing kaibigan, papayuhan kita ah? Huwag mo na ulitin. 'Di talaga bagay sayo," sabi ko rito kase di naman talaga bagay. HAHAHAHA! Ang redundant na eh.

"Oo na! Pero gwapo pa rin naman ako diba? Diba?" Pagpupumilit pa niya. Aba't ang kumag, inalog-alog pa ako.

"Aba'y ewan ko sayo. Hanapin mo na lang kaya si Mellanie at yun ang guluhin mo. Kaloka ka!" Sabi ko dito at pinagtutulak para umalis. Malamang matutuwa pa yun si Melanie kung siya ang guguluhin ng nag-iisang Edgar Grey.

"Oo na! 'Wag mo namang ipahalata na ayaw mo akong kasama."

"Ay siya! Sabing wag mag-pout eh! Kadiri! Pfft..." Grabe, ang hirap magpigil ng tawa kapag ganito makikita mo. Mukha kasi siyang batang inagawan ng candy. Yung para bang maiiyak na siya minus the tears. Basta ganoon yung itsura.

"Bye na nga! Hahanapin ko pa yung babaeng yun. Kung saan saan na naggagala," sabi niya sabay takbo paalis.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon