Next ud!!!!!! Enjoy!!!!! Sweet but short ud and lame events are up!!!! Di po ako marunong magsulat ng sweet moments pero I'll try my best! FIGHTING!!
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Chapter 18: He's Sick(part 3)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:Nilapag ko na muna yung tray sa side table nya ulit tsaka ko sya nilapitan para gisingin.
"Andrei! Gising! Mag-hapunan ka na!" Sabi ko habang niyuyugyog sya. Buti gumising na sya ng di umiingit.
"Oh?*yawn*" sabi nya habang nahikab. Shems! Ang gwapo nya! Shemay!
"Kumain ka na ng hapunan ng maka-inom ka na ulit ng gamot. Every four hours yan kaya ipapagising nalang kita sa isa sa lima." Sabi ko ng mahinahon. Kinuha ko yung tray na nagiging breakfast table tsaka ko nilapag sa lap nya.
"Kay." Sabi nya sabay kuha nung kutsara't tinidor at nilagay nya din yung table napkin sa lap nya at nagsimula na syang kumain..
"Labas lang ako. Kakain muna ako sa cafeteria para kumain ng dinner." Sabi ko pero bago pa ako makalakad ay may humablot sa braso ko at pinaharap ako sa kanya at sinabing...
"Stay and eat." Tipid nyang sabi.
"Eh? Pano ako kakain kung wala naman akong pagka-" di ko na natuloy yung sinasabi ko nang subuan nya ako ng pagkain sa bibig ko. WAHHHH!!! INDIRECT KISS YUN!!! Huhuhu... Pero wala naman akong magawa kundi nguyain at lunukin ito.
"Shut up and eat." Sabi nya at sumubo na ulit sya. Di ba sya maka-intindi na wala akong pagkain? Psh. Di ko sya pinakinggan at balak ko nanamang lumabas pero nahawakan nya ulit yung braso ko tsaka hinila pa-upo.
"Ano ba?! Sinasabi mong kumain ako pero wala nga akong pagkai-" pinutol nananaman nya yung sinasabi ko ng subuan nya ulit ako. Aba! Nakaka-dalawa na sya ah!
"Don't be hardheaded, shut up, and eat." Sabi nya. Kinunotan ko sya ng noo tsaka tinaasan ng kanang kilay. Naintindihan nya naman yung sinabi ko kaya parang namula sya o namamalikmta lang ako siguro dahil may sakit sya. Oo! Tama! Yun nga siguro yun. "S-Share nalang t-tayo. H-Hindi ko din naman to ma-uubos eh." Sabi nya sabay iwas ng tingin tsaka balik ulit sa pagkain nya.
BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Novela Juvenil[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...