•~Chapter 14: I'm Just Concerned~•

5.3K 121 3
                                    

Chapter 14: Back To Normal

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Andrea's POV:

Hayy! Back to school na ulit kami! Isang linggo narin ang nakalipas mula noong 'Performance Day' at madami na ang nangyari matapos noon. Actually, Friday ngayon at obviously, bukas ay Sabado kaya no classes ulit, so okay. Ang dami na naming na-miss na lessons. Lagot. Kaya bago pa kami ma-late sa klase ay pumunta na kami sa room namin. Ka-gagaling lang namin sa cafeteria kaya tapos na kaming mag-almusal.

Bakit parang may hindi magandang mangyayari ngayon? Ako lang ba o... nevermind. Wag na nga lang. Nakakaparanoid eh. Pero habang papalapit kami ng papalapit sa room ay mas lalong lumakas yung kutob ko na may masamang mangyayari talaga. Nang makarating na kami sa tapat mg pinto, bigla akong nakaramdam ng malakas na lagabog sa puso ko at sa ngayon di ko na ito babaliwalain dahil malakas talaga ang kutob ko na may masamang mangyayari.

Wait. Hihinga muna ako. Nakakaloka, ayoko ng ganio eh! Nilingon ko sina Chantelle at nginitian, siguro ramdam din nila yung nararamdaman ko. Pagka-bukas ko ng pinto...

*splash*
[A/N: Sorry sa poor kong effects. Tunog ng liquid na bumagsak]

Napa-pikit na lang ako dahil sa naramdaman kong nahulog na malagkit sa akin. Nakita kong kulay greenish brown ito at mabula-bula pa.

Yung ipinang-lilinis sa c.r.!

Na-iiyak na ako dito sa mismong pinto at ramdam ko rin na madami na ang nakiki-chismis at natawa sa likod ko. Naiiyak ako di dahil sa napahiya ako, kundi dahil sa pinag-gagagawa nila sakin. Wala naman akong masamang ginagawa sa kanila ah! Kaya bago pa bumagsak yung luha ko dito tumakbo na ako ng tumakbo. Halos madapa-dapa na ako dito katatakbo pero wala akong pake. Di ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero base sa mga nakikita ko, nasa likod ako ngayon ng main building ng R.E.A. At nang makarating ako dito ay sunod-sunod na ang bagsak ng mga luha ko at di ko na napigilan ang mapa-luhod dito at mapa-hagulgol na sa iyak. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa isang puno at dun ipinagpatuloy ang pag-iyak ko.

Kasalukuyan akong naka-tungo dito ng may maramdaman akong presensya ng isang... Tao? Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko ang isang bulto ng isang tao na naglalakad papunta sa direksyon ko. Di ko ma-aninag yung mukha nya dahil sa nanlalabo pa yung paningin ko dahil sa mga luha ko.

Nang maka-rating na sya sa harapan ko, nilahad nya yung panyo nya sakin. Nag-alinlangn pa ako kung kukunin ko pero kalaunan ay tinanggap ko din. Tumungo ako at tinanggal ko ang salamin ko, syempre di ko malilimutan yung disguise ko, at pinunasan na ng mukha't salamin ko. Nang maalala ko yung tanong nandito sa harap ko ay tsaka ako nag-salita...

"A-Ano... A-Ahmm... L-Lalabhan ko muna 'to bago ko ibalik sayo...?" Sabi ko then tumingin sa kanya. Ang una kong napansin ay ang kanyang mg mata. Those black orbs na ang nagmamay-ari ay ang tanong di ko aakalain na makakakita na umiiyak ako ngayon...

Yelo...

"Tsk. Sige na, iyo na yan." Sabi nya.

"O-Okay." Sabi ko nalang. Nabuo sa pagitan namin ang katahimikan, kaya ako na ang bumasag nito. Pero sa di inaasahang pagkakataon...

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon