•~Chapter 17: He's Sick(Part 2)~•

4.4K 115 21
                                        

Ito na!!!!!! Happy birthday to me hahaha[10/28/17]. Balak ko po sana talaga ng mag-update ngayong birthday ko kaya patawad sa sobrang late! Hehez.

Tsaka po napapa-promote yung kaibigan ko. Please read daw po ang "Rain Run Race" at "Diary Ng Brokenhearted" by HyperYerin.
•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Chapter 17: He's Sick(Part 2)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Andrea's POV:

Pagkalapit namin dun sa pinto ay may kinuha muna si Ed dun sa ilalim nung 'welcome' rug. At napag-alaman kong susi pala ito. Binuksan na ni Ed ang pinto at sumalubong sakin ang napaka-luwang na sala nito. Edi sila na ang may connections para naging ganto ito. Psh!

"Best friend, yung kwarto nga pala ni Andrei yung dulong kwarto jan sa kanan." Sabi ni Ed tapos tinuro pa nya. Tapos nakita kong may mini kitchen sila sa dorm kaya pumunta muna ako dun. "Atsaka nga pala, best friend, pwede tawag ko nalang sayo Adeng? Tapos ganun din tawag mo sakin?" Tanong nya kaya tinanguan ko nalang sya. "Adeng, aalis muna ako ah! Mag-aaral lang ako para good impression kay crush. Hahahaha!" Sabi nya sabay lakad papunta sa pinto.

"Hep hep! Teka! Sino yang 'crush' na yan? Adeng, best friend tayo diba? Walang taguan ng secret! Dali sabihin mo na, di ko ipag-sasabi." Sabi ko habang niyuyugyog sya

"E-Eh... Ano... Promise ha? Di mo ipag-sasabi?" Tanong nya at sinagot ko sya ng tango kaya pinagpatuloy na nya, "S-Si... Ah basta! Mamaya pagkabalik ko." Sabi nya sabay kumaripas ng takbo.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon