•~Chapter 35: Girl's Night In~•

3.4K 73 2
                                    

Chapter 35: Girl's Night In
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:

Maybe it's not that bad to tell them. Telling them will either help me to conceal my identity or expose it. May it be accidental or intentional, telling them would ease my burden. The burden I feel of hiding.

We're currently striding our way to our separate dorms to fix our things. It's good that sleeping in other's dorm room is not forbidden. Actually, it is, but that is sleeping in your opposite gender's dorm.

I safely reached my room's door and opened it through my card key. I directly went to my closet to take my pj's and some necessary things to use for a group study and sleepover. Some foods, too, to contribute.

Pagkatapos kong mag-ayos, chineck ko ulit yung bag ko. Wala pa pala yung charger ko. Pumunta ako sa bedside table ko dahil dun ko lang naman madalas nilalagay yun pero wala yun dun. Hinanap ko yun ng hinanap hanggang sa umabot ng mahigit tatlumpung minuto na akong naghahanap pero di ko parin nahahanap kaya napa-upo nalang ako sa kama at napabuntong hininga nalang. Manghihiram nalang ako ng charger kina Mel.

Kinuha ko na yung bag ko tsaka tinungo ang pinto pero hindi nakalagpas sa paningin ko yung charger ko na nakapatong sa sofa. Napairap nalang ako sa hangin dahil sa tinagal tagal ng paghahanap ko nakapatong lang pala sa sofa! Kinuha ko na to tsaka bastang pinasok sa bag ko at tuluyan nang umalis.

Ganyan naman talaga. Kapag hinahanap mo, hindi mo mahahanap. Pero kapag di mo naman hinahanap, tsaka mo nakikita.

Tumungo nalang ako sa hagdan dahil isang floor lang naman ang pagitan namin. Nakarating ako doon na sinalubong ng salubong ang kilay na may bruha. Oops. Nalimutan kong dapat by 5 o'clock ay nandito na pero halos tatlumpung minuto na akong late dahil sa paghahanap ko pa ng charger at paghahanda.

"Hehe."

"Hehe ka diyan! Bakit ang tagal mo?" Asar na tanong ni Chelle.

"Hinanap ko pa kasi yung charger ko tapos malaman laman ko nasa sofa lang pala." Nginitian ko nalang siya ng painosente pero inirapan lang ako ng gaga.

"Oo na. Tara na sa loob para mailapag mo na yung mga gamit mo." Biglang singit ni Mel kaya napatingin ako sa kaniya tsaka ko siya tinanguan.

Pagkapasok namin ay talagang nagulat ako. Di naman halatang excited sila 'no? Handa na yung hihigaan namin eh. Pinagdikit-dikit lang naman nila yung apat na kama tsaka naka-ayos na yung mga throw pillow sa sahig nila na de carpet naman. Malamang may balak silang mag-movie marathon mamaya. Akala ko ba group study? Mukhang leisure time ang mangyayari mamaya eh.

"Hindi ba group study yung dahilan ng pag-sleepover ko dito?" May pagka-sarcastic na saad ko at sa paglingon ko sakanila ay mukha silang ewan. Sa totoo lang, sarap nilang batukan ngayon.

"Pagkatapos syempre. Hehe." Medyo napapakamot ulong saad ni Adelle.

"Hehe ka din." Pang-aasar ko sakaniya pero dinilaan niya lang ako. Bahala na. "Basta hindi tayo gagawa ng iba hanggat hindi natatapos yung pag-aaral natin. Clear?" Diniinan ko talaga yung pagkakasabi ko sa iba dahil alam kong sa-sideline sila malingat lang saglit ang atensyon namin. Basta sa pag-aaral gusto ko aral lang, walang iba. Tumango nalang sila.

"Tara sa caf para mag-dinner?" Pag-aaya ni Mel kaya dali-dali naming inayos yung mga gamit namin tsaka pumunta sa caf.

Sa may pinto palang kami pero rinig na namin ang mga tilian ng mga babae sa loob. Tsk. Araw-araw nalang. Tuwing dinner kase ay makikita mong mga naka-pantulog na yung iba o kaya mga naka-civilian.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon