[Edited]
Chapter 9: Performance (Part 1)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:
Pagkabukas na pagkabukas ko talaga ng pinto ng room namin ay biglang nanlaki ang mga mata kong singkit dahil bumungd sa akin yung mga crumpled paper sa sahig at mga lalaking nagbabatuhan ng mga nilukot na papel.
Gosh! Kung makikita niyo lang talaga yung room namin ngayon. Nako! Parang binagyo!
Elite school who? I only know lugar ng mga patapon. Get it? Lugar ng patapon because they throw crumpled paper. Corny. Anyways...
Despite all of that, I paid them no heed and went straight to my assigned seat, took a book out then read. Pero hindi ko rin natiis kasi nakakaloka! Salute talaga sa mga nakakapag-focus sa binabasa, or ginagawa in general, nila kahit maingay paligid nila. Napagdesisyunan ko nang tanungin si Ed kung bakit, to which he only mouthed, "meeting" , and the scene that bewildered me as I opened the door was made unsurprising.
Time passed by and our next subject's teacher came. We, our class, was scolded for all the mess that's why 30 minutes of our class time was spent on cleaning. Damay-damay pa nga. Bwisit. Pero para-paraan na lang yan. Hehehe.
And after an hour, the words, "class dismissed", blessed our ears.
Nothing much happened after that though. Kumain lang ako ng lunch. Unexciting, I know, but that's better. Sinong shunga ang gustong makasalubong ang mga nanakit sa kaniya na kinailangan pa siyang dalhin sa ospital? Like duh!
Hindi na muna ako dumidikit sa M5 kasi nagdedelikado ang buhay ko kada segundong malapit ako sa kanila kahit na isang metro, pwera na lang siguro kung may klase kasi no choice naman kami roon. Pagkatapos ay heto na ako ngayon, papunta sa locker area para kuhanin ang mga librong gagamitin para sa susunod na subject.
Hindi naman sa pagiging feelingera, pero humahawi kasi sila habang dumadaan ako sa hallways e. Pasimple kong inamoy ang aking sarili, ngunit hindi naman ako mabaho para layuan nila ako. Wala rin naman akong akakahawang sakit. Hindi naman nakakahawa yung sakit ko sa puso diba? I was sniffing the air when I heard someone chuckled. Hinanap ko kung sino yun, tumingala't yumuko na rin ako kasi baka minumulto na pala ako, medyo malalim pa naman yung boses yung humagikhik. Isa na lang ang hindi ko natitignan. Sa likod...
Hoo! Sana hindi multo, sana hindi multo, sana hindi mul– Shemay! Si Justin lang pala. Eh? Si Justin? Anong ginagawa niya rito? Ay shunga lang, hindi ba pwedeng papunta sa locker area?
Lumapit siya at sumabay sa aking paglalakad. Na siya namang nagdulot ng mga masasamang titig mula sa mga fangirls niya. Ayan na nga ba sinasabi ko e!
Yung totoo, mga atih mong inggitera? Mga wala kayong lakas ng loob lapitan or kausapin man lang sila, pero kapag mayroon na ay bu-bully-hin niyo. Where ang maayos na utak doon? Insecure lang? Bwisit po kayo, hehehe.
"Don't mind them," bulong niya sa'kin. I did not reply, because I don't think that needed one. I just subtly moved a few inches away. Ayoko nang bumalik sa ospital, parang awa niyo na.
"Bakit mo ako sinusundan, Justin? Hindi naman sa nag-aasume ako pero parang ganoon na nga. I assumed you were going to take something from your locker, too, but you didn't. And now, this isn't he way to the classroom." Nakaka-intindi naman siya ng Tagalog diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/70779115-288-k609973.jpg)
BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Fiksi Remaja[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...