[Edited]
Chapter 1: Goodbye, Alexzandra Academy
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:
"Nasaan na ang assignment ko?!"
"Ito na po," sagot ko naman sabay abot ng isang notebook. Take note, medyo nanginginig pa mga kamay ko. Half kinakabahan and half kaba-kabahan lang, hahaha. Medyo kinakabahan kasi ako na baka saktan niya ako. I take that back, there's a high chance na saktan niya nga ako pero ang dahilan ng kaba ko ay ang level of pain inflicted sa akin. It varies from 1 to 5, with 5 being the worst.
"Siguraduhin mong papasa ako rito kung hindi malalagot ka sa akin," sabi ni Patricia nagbabanta. Ipinukpok pa niya sa ulo ko yung notebook tapos pinagpagan iyon at hinipan pa. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Panibangong bukol na naman ito. But fortunately, it's just a 2.
"Patricia, tara na! Andiyan na sina Santiago! Kyaah!" Maharot na sigaw ni Clarissa, isa sa mga ka-uri ni Patricia. When I say ka-uri, I mean bully.
Sinamaan muna ako ng tingin ni Patricia tsaka siya umalis at humarurot papunta kina Santiago. Hindi manlang nahiya ng kaunti, halos liparin na yung skirt niya sa likod eh. Well, in fact Santiago is a relative of mine. Hope he doesn't end up with her though. He'll be a battered boyfriend or whatever.
"Dapat hindi mo na lang tinatanggap yung pagpapagawa ni Patricia ng mga assignments niya sayo," sabay na sulpot nina Rose at Ches. Sila yung hindi nahiyang um-approach sa akin kahit na ganito ako. Nerd. And I can't help but love them for that.
"Ganda ng timing natin, ah? Kung kailan tapos na tsaka susulpot?" I said to which they replied with a chuckle. "Anyways, kaysa naman araw-araw niya, or nila, akong ginagawan ng masama, diba?" Naglalakad na kami ngayon papuntang classroom. Pero bigla akong nakaramdam ng pagtawag ng kalikasan. "Rose at Ches, magbabanyo muna ako ha? Hintayin niyo ako. Number 1 lang naman."
"Sige lang. Take your time!" Saad ni Rose, samantalang tango naman mula kay Ches ang natanggap kong sagot.
Third Person's POV:
"Uyy, Ches, may nakikita akong nagtitinda ng cotton candy doon oh! Tara bili tayo!" Sinabi ni Rose kay Ches na nakatingin lang sa kawalan.
"Rose, 'wag na. Maraming bumibili oh tsaka diba sinabi natin kay Andrea rito lang tayo?"
Nag-aalala na ako. She's not usually like this! Madalas na tahimik siya, yes, pero iba yung bumabalot na aura sa kaniya, e. Isip-isip ni Rose.
"Okay. Basta kapag bumalik na si Andrea, puntahan natin ha?" Tanong niya pabalik pero wala na siyang nakuhang sagot. "Uy!" Inalog ni Rose si Ches ng kaunti kaya maang na napatingin ang huli sa kaniya.
"H-Huh? Ano ulit yon?" Tanong ni Ches.
Kumunot naman ang noo ni Rose dahil sa kaunting gigil at pagtatakang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Teen Fiction[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...
![My Disguised Heir [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/70779115-64-k609973.jpg)