Heto na! Bwahahahahahaha-*cough*. Charing hahahahahaha. Sorry nalate. Sumama po kase pakiramdam ko eh. Mianhae!
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Chapter 24: I'll Make It Up To You
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:Nagising ako na may mabigat na pakiramdam. Ewan ko kung bakit, pero ang lungkot ng pakiramdam ko ngayon. Umayos na ako ng tayo pero alam ko sa sarili kong para akong lalamya-lamya ngayon sa mga galaw ko. Aish! Ano bang nangyayari sakin?
Naligo na ko't nagbihis ang bigat parin ng pakiramdam ko. Ang sakit din ng ulo ko. Bahala na nga. Inayos ko na yung itsura ko tsaka ko sinuot yung salamin kong pagkalaki-laki.
Nagpunta na ako sa cafeteria para mag-almusal, alangan namang mag-hapunan. Kaaga-aga eh. Pero mahilo-hilo pa nga akong naglalakad papunta sa cafeteria eh. Buti nalang nakarating ako dun nang di nag-cocollapse. Ang binili ko nalang ay ang breakfast meal nila. Natapos na ako pero ganun parin ako, mabigat parin ang pakiramdam. Habang naglalakad ako papuntang room ay nakasalubong ko ang apat na mga bruhilda nginitian ko lang sila ng napipilitan na mukha namang napansin nila. Agad naman nila akong nilapitan at kakausapin na sana pero bigla nalang akong na-out of balance kaya napasalo sila sakin ng di oras.
"Ow!" Nasabi ko nalang kase bigla nalang nanghina ang tuhod ko at umikot ang paningin ko.
"Oh!" Gulat na bulalas nilang apat.
"Andrea! Okay ka lang ba? Bakit ka namumutla?" Nag-aalalang saad ni Mel.
"A-Ayos lang ako. Nahilo l-lang ng konti." Sabi ko nalang habang pilit na tumatayo ng ayos.
"Tsaka bakit ang init mo din? Nilalagnat ka ba? Ay hindi! Pupunta ka sa clinic, now na!" Matigas na saad ni Mel na sinang-ayunan naman ng tatlo.
"Wag na, kaya ko naman eh. Tignan mo pa oh." Sabi ko tapos kumalas sa pagkakakapit nila sakin. Pagkakalas ko sa pagkakahawak nila at humakbang ng tatlong beses. Pero sa pangatlo kong hakbang ay muntik nanaman akong ma-duwal. Kung hindi lang dali-daling nakarating sina Mel sa kinatatayuan ko ay malamang bumagsak na ako dito. Pinagpapawisan narin ako.
"No more excuses. Pupunta ka sa clinic sa ayaw at sa gusto mo." Pinal na sabi ni Mel. Tinanguan ko nalang sya kase di ko na talaga kaya pang humakbang ng isa. "Good." Sabi nya at inalalayan na nila ako papuntang clinic.

BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Novela Juvenil[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...