Chapter 13: Performance Day (part 4)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:
Grabe yung mga practice namin! Sa umaga, papasok sa klase. Sa hapon, pagkatapos ng mga klase, ay magp-practice hanggang labinlimang minuto bago maghapunan sa cafeteria. Tapos sa gabi, magpapahinga, then repeat the cycle! Buti nga nakaka-pasa or should I say nap-perfect ko pa yung mga quizzes na binibigay sa amin. Hayy, sakit sa ulo! Pero okay lang kaya pa naman.
Sa ngayon, andito ang buong M5 at kami nina Adellaide sa M.R. Hulaan niyo kung anong ginagawa namin! Sige lang hulaan nyo. Malamang nagpapractice kami! Siyempre dapat lang na pag-igihan namin dahil buong Pilipinas na ang dala namin 'no! Tsaka for our school's and family's pride ang ginagawa ko! Okay back to practicing na ako.
"Hooo! Ang galing niyo talaga, Andrea!" Sabi ni Chantelle.
"Oo nga! Para tayong nanunuod ng live concert sa galing!" Segunda naman ni Adellaide.
"Ang galing niyo grabe!" Sabi naman ni Bren habang wala naman kaming naririnig na comment mula kay Mellanie.
"Hehehe... Thanks?" Nahihiya kong sabi. Kung napansin niyong parang tahimik lang si Mellanie ay dahil hindi ko alam. Simula nung kinausap ko si Ed nung the day after nung Nationals ay hindi na niya ako pinapansin. Pinapansin niya lang ako kapag tinatanong ko siya tungkol sa mga klase pero kapag tungkol na sa ibang bagay ay deadma lang ako sa kaniya.
"Sige, break muna kayo!" Sabi ni Ed. Tinanguan lang namin siya tsaka iniwan yung mga instruments na ginagamit namin doon sa dating pwesto nila. Tsaka ko naman dahan-dahang nilapitan si Mellanie.
"Uhm... Mellanie? Pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?" Sabi ko. Tinanguan niya naman ako bilang sagot. Lumabas lang kami ng M.R. ni Mellanie tsaka nag-usap sa may pinto.
"So? Anong pag-uusapan natin?" Mataray na tanong sa akin ni Mellanie.
"Mellanie, may nagawa ba akong mali? Bakit galit ka sakin?" Tanong ko sa kanya at nararamdaman kong namamasa na yung mga mata ko. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.
"First, wala ka namang ginawang mali and second, hindi ako galit sayo..." Sabi niya at magsasalita na sana ako nang magsalita sya ulit. "... nag-seselos lang ako."
"B-Bakit?" Tumulo na ang luha ko galing sa kaliwang mata dahil alam kong makakasama sa mata ko yung pag-iyak dahil naka-contact-lens ako, remember?
"Naalala mo ba yung time na nung nandoon tayo sa cafteria, maybe 1 or 2 weeks ago?" Tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng tango. "Nung time na yun, tinanong ko si Ed kung okay lang ba siya tapos ang sinagot niya ay okay lang naman daw siya pero bakit ganoon? Nang matapos kayong mag-usap nakita naming namumula pa yung mga mata niya na halata mong galing sa pag-iyak! At alam mo kung saang dahilan ako nai-inggit ay yung part na nung ako yung nagtanong sinabi niya okay lang sya pero nung kayo na yung nag-usap doon niya lang nilabas yung kinikimkim niya!" Sabi niya at nataasan niya pa ako ng boses. Napa-atras ako sa di malamang dahilan, at mukhang hindi niya rin naman napansin na napag-taasan na pala niya ako ng boses kaya biglang nanlaki yung mga mata niya.
BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Teen Fiction[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...
![My Disguised Heir [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/70779115-64-k609973.jpg)