Chapter 28: Why Is He Here?!
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:Argh! Nakaka-inis! Nakakabwisit! Nakakagigil! Aish! Wag na wag siyang magpapakita sakin naku! Bad mood ako kaloka!
Ito ako ngayon, salubong ang kilay na naglalakad sa hallways dahil pabalik na ako sa room. Oo, tapos na kami mag-lunch. Bwisit! Yung lunch time na yun! Nabubwisit nanaman ako pag naalala ko yun eh! Stop na. Dapat palagi akong good mood. Nakakatanda ang palaging stress. Pero wengya talaga eh! Gusto nyo malaman kung anong nangyari? Aba! Lalo akong nanggigil eh!
Flashback...
Nakalipas na ang isang linggo matapos ang naging gala namin at kasalukuyang katatapos lang ng aming morning period kaya ngayon ay papunta na kami sa cafeteria. Yup, kami ang sinabi ko dahil kasama ko ang apat na bruhilda. Napapansin ko lang, tumahimik si Chelle. Eh samantalang dati halos mabingi na ako sa bunganga niyang kung magsalita ay parang machine gun. Ratatatatatatatat ng ratatatatatatat. Ganyan. Pero ang tahimik niya ngayon. Ano kayang nangyari dito? Naalala ko tuloy si Rose sakanya. [A/N: Refer to Chapter 001: Goodbye St. Caroline. Siya po ay isa sa kaibigan ni Andrea dun sa SCA, which were Chesca and Rose.]
Wala naman akong ibang napapansin pwera lang talaga kay Chelle. Yung tatlo naman ay ganun parin except sa madalas na pananahimik nila.
Kung hindi mo sila kilala ng lubusan ay hindi mo yun mahahalata pero dahil medyo matagal na kaming magkakasama ay nakilala ko narin sila. At sinasabi ko na sa inyo, hindi sila yung mga tipo ng mga taong nananahimik bigla. Sila yung tipong gagawa ng conversation sa iba kahit walang kwenta yung topic. At ngayon mas napapansin ko na yung pagiging tahimik nila.
Pero hahayaan ko na muna sila. Baka may problema o pinagdadaanan lang. Hindi kase sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka, dadating din yung panahong malulungkot at malulungkot ka din.
Nang makarating na kami sa caf ay medyo puno narin ito. Kaya agad na kaming naghanap ng puwesto kung saan kami kakain at nang makahanap na kami ay naupo na kami agad dun dahil baka wala na kaming makakainan pag nagtagal pa kami.
Kasalukuyang nagdadaldal sina Adelle, Justin, Diane at Bren and the rest ay may kanya-kanya nang ginagawa. Tulad ni Andrei na nakikinig sa earphones nya habang nakapikit ang mata alangan namang ang tenga. Mapipikit mo ba yun? Si Ed naman ay kasama ni CJ na bumibili ng pagkain namin. Si Mel naman ay ang taga-suway kapag nagkaka-away-away sina Adelle. Si Chelle naman ay minsang nakikisali kina Adelle pero madalas syang napapatingin sa bintanang katabi lang namin. And the last but the least, syempre ako yun, ay pinagmamasdan kung anong ginagawa nila.

BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Fiksi Remaja[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...