Chapter 32: Super Typhoon Chatbox
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:
"Kanina habang naglalaro tayo, napansin ko yung mga mata mo. Naka-contact lens ka pala? Tapos may salamin ka pa. Sobrang labo ba talaga ng mata mo? Para magdoble ka ng pampalinaw ng mata?"
"O-Oh? N-Napansin mo pala yun, hehe." I laughed. Awkwardly.
"Of course! It's not all the time that we can see people wearing eyeglasses and contact lenses at the same time." Sabi nya tsaka sumubo ng isang kutsarang pagkain nang hindi tinatanggal sakin ang tingin.
"Napansin mo din pala yun Justin? Akala ko guni-guni ko lang yun kaya di ko nalang pinansin eh." Dugtong pa ni Adelle na tinanguan naman nina Chelle at Diane. Si Mel naman tahimik lang dahil nalaman na nyang nakasuot ako ng contact lens.
"Aish! Mamaya na nga yan! Nakain pa tayo eh." Thank you, Ed. Nginitian ko sya ng tipid na syang naintindihan nya naman kaya tinanguan nya ako na may isang maliit na ngiti.
Napansin ko naman si Andrei na matamang nakatingin samin, o sakin. Alam kong napansin nya na tumingin ako sakanya pero wala syang ginawa at nanatiling nakatingin parin sya sakin.
Siguro nanatili kaming ganon ng ilang minuto bago ako umiwas. Ako na yung umiwas dahil alam kong mataas ang pride niya. Sa sobrang taas kahit ang pag-iwas ng tingin sa gitna ng titigan moment nila ng isang tao ay talagang hindi sya iiwas hanggat hindi iiwas yung katitigan nya.
Eh ano ngayon kung may nakatitigan na syang iba? Aba! Edi magtitigan silang dalawa hanggat lumuwa yung mata nila. Ah... Pero bakit parang may naramdaman akong kirot sa may bandang puso ko? Asus! Gutom lang yan!
"Ouch," biglang sigaw ni Mel tapos parang may hinihipo sa braso nya, "pinagpipyestahan na ako ng mga langam! Ang sweet kase eh." Tapos nagtawanan na sila at kinantyawan kami ni Andrei. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain habang sila ay tuloy parin sa pang-aasar habang kumakain.
Pagkatapos kumain ay napagpasyahan na namin bumababa para bumalik sa room para sa aming afternoon classes at para narin ma-digest yung kinain namin. Nauuna kaming mga babae'ng maglakad sa mga lalaki para narin iwas issue. Ngayon lang nagsink-in sakin na hahuntingin kami nung mga baliw na fangirls ng mga 'to kaya naman sinabihan na namin sila in advance para alam nila yung dapat nilang maging kilos na sinang-ayunan naman nila.
BINABASA MO ANG
My Disguised Heir [Completed]
Teen Fiction[current status//warning: EDITING; this book may have infos and scenes not included before and also removed while the status, Editing, is still raised. But of course, THE STORY REMAINS THE SAME. Just fixing a lot of holes, typographical and grammati...
![My Disguised Heir [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/70779115-64-k609973.jpg)