Kabanata III

903 38 21
                                    

REMINDER: IISA LAMANG PO SI ADOR AT CARDO DITO. NAGPAPANGGAP LANG NA ADOR SI CARDO KAPAG KAHARAP SINA ELLA AT MGA KAPATID NIYA. 😊😊😊



GENERAL



Gumising si Ella ng alas diyes ng umaga. 1 pm pa naman kasi ang trabaho niya ngayong araw. Kanina pang alas nuwebe umalis ang mga kapatid niya upang pumunta na sa kani-kanilang trabaho. Whole day kasi ang schedule nila, hindi katulad ni Ella na may shifting.

Hihikab-hikab siyang bumaba sa 1st floor upang makakain na ng umagahan. Ngunit, natauhan naman siya at napapunta sa wisyo nang may marinig siyang ingay ng naglulutong mantika sa kusina.

"Shucks," pabulong niyang sabi.

Agad siyang naghanap ng pamalo sa may sala. Nang makakita naman siya ng vase ay agad niya itong kinuha at binitbit.

"Nakakaloka naman 'tong magnanakaw na 'to. Talagang naisipan pang magluto ha?" bulong niya sa kanyang sarili.



Dahan-dahan siyang pumanhik papuntang kusina. Naglakad siya ng mabilis ngunit tahimik hanggang sa makalapit siya't...

"SINO KANG MAGANANAKAW KA? AAAHHHH---"

"Uy, teka tekaaaa! 'Di ako magnanakaw! Si Ador 'to!"

Inilayo naman agad ni Ella ang kanyang hawak na vase at inilapag ito sa mesa nang mapagtantong si Ador pala ang nagluluto.



Nang ma-relax si Ella ay agad namang pinatay ni Ador ang stove upang hindi masunog ang kanyang niluluto. Nagpunas rin agad siya ng kamay.

"A-ador... Ba't ka nandito? Tsaka, ba't ka nagluluto?" tanong ni Ella.

"Ahh, ano kasi... Nag-volunteer ako kina Bogart na samahan at lutuan ka. Namiss kasi kita agad eh," nakangiting sagot ni Ador.

Habang si Ador ay nagsasalita, hindi naman mapigilan ni Ella na maibaba ang tingin niya sa katawan ni Ador. Wala kasi itong suot na t-shirt at naka-denim loose pants lamang ito. Napalunok naman siya at ibinalik nalang ang tingin sa mukha nito.

"Huy, may problema?" tanong ni Ador.

"Ano, wala..." sabi ni Ella at napakamot sa braso niya. "A-akala ko kasi magnanakaw eh."

"Pasensya ka na. Hindi na kasi kita ginising para makapagpahinga ka pa. Alam ko namang 1 pm pa pasok mo sa trabaho," sagot naman ni Ador.

"Nako, 'di ka na dapat nag-alala pa," sabi ni Ella at nilampasan si Ador.



Muli niyang binuksan ang stove at ipinagpatuloy ang niluluto ni Ador na pinakbet na paboritong pagkain ni Ella.

"Uy, ako na," sabi naman ni Ador at lumapit sa likod ni Ella.

"Paborito ko pa talaga ang niluto mo ha?" sambit ni Ella.

Ngumiti si Ador at kinuha ang sandok mula kay Ella. Tumabi naman si Ella ng bahagya upang makalapit si Ador sa tabi niya.

"Eh tinanong ko kina Bogart paborito mo eh. Sabi niya, pinakbet raw kaya..." tumigil muna siya sa pagsasalita at tinignan si Ella nang may ngiti sa mukha. "...eto niluto ko."

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon