GENERAL
Humikab siya kaagad nang maimulat niya ang kanyang mga mata. Mahahalata mong inaantok pa rin siya ngunit dahil tumunog na ang kanyang cellphone alarm clock, wala siyang choice kundi imulat ang kanyang mga mata dahil may trabaho pa siyang papasukan ngayong araw na ito.
Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa side table at pinatay na ang alarm nito. Umupo na siya kama't kinusot-kusot na ang kanyang mga mata. She stretched upang maalis ang antokyo cells sa kanyang katawan at matapos nito, tuluyan na siyang tumayo mula sa kanyang kama.
Isinuot na niya ang kanyang mga tsinelas at naglakad na palabas ng pinto ng kanyang kwarto. Nang makalabas siya'y napakamot pa siya sa kanyang pwetan dahil kumati ito. Pumipikit-pikit pa nang bahagya ang kanyang mga mata at napayuko pa siya sa antok na nararamdaman. Dahil sa pagyukong ito ay nakahagilap siya ng mga tulip petals sa sahig.
Napakunot-noo siya't sinundan ng tingin ang path na nagawa ng mga tulips na ito.
"Joneeeeeel! Ke aga aga, ang daming kalat sa sahig! Naglinis ka man lang ba?" pasigaw na katanungan ni Ella.
Nakaramdam naman siya ng inis nang hindi man lang siya sagutin ni Jonel kaya naman padabog niyang pinulot ang mga tulip petals at napasunod nalang sa path way na nagagawa nito.
"Sinong siraulo ba ang magkakalat ng mga tulip petals dito sa pamamahay ko nang gan'to kaaga?!" naiinis na tanong ni Ella sa kanyang sarili.
Patuloy niyang pinulot lahat ng petals hanggang sa makarating siya sa kusina. Nang pulutin niya ang huling petal, inilapag niya ito sa counter at napapikit nang punasan niya ang kaunting pawis na nagkaroon siya dahil sa pagpupulot ng petals.
Napasandal si Ella sa counter at pinunasan nga ang pawis sa kanyang mukha nang mapansin niyang may nagluluto pala sa kanilang lutuan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalaking nakasuot lamang ng maong na pantalon at tsinelas. Ito'y walang pang-itaas at nakatalikod sa kanya habang nagluluto sa frying pan.
Napalunok kaagad si Ella nang dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang tingin sa bare na likuran ng huli. Napatingin din siya sa mga braso nitong nagfe-flex ang muscles sa t'wing ginagalaw niya ang kanyang mga kamay upang makapagluto. Dahil na rin sa init na dala ng pagluluto, may tumatagaktak na pawis sa kanyang braso't likuran.
Hindi niya napansin na siya pala'y nakanganga na lalo na nang humarap sa kanya ang lalaki at tumambad sa kanyang harapan ang magandang pangangatawan ng huli.
"Good morning, baby girl!"
Tila ba hindi niya narinig ang bati ng huli sa kanya dahil napako ang kanyang paningin sa pangangatawan na tumambad sa kanyang harapan ngayong umaga.
"Ang hot naman palang siraulo no'ng nagkalat ng petals..." bulong ni Ella sa kanyang sarili habang nakatitig pa rin sa nasa harapan niya ngayon.
The latter smirked and found his way moving towards Ella right after turning off the gas stove. Kinuha niya ang towel na nakalapag sa maliit na lamesa at agad na pinunasan ang kanyang pawis sa katawan habang papalapit sa huli.
Nang tuluyan na siyang makalapit kay Ella, lalong lumawak ang ngisi niya sa mukha. He placed his thumb at the side of Ella's lower lip.
"Uy," sambit niya. "Tumutulo na laway mo oh."
"Ehe," malanding pahayag ni Ella. "Keshe nemen, eng ege ege nemeng pa-pandesal niyen, Kuye eh."
Ibinaba na ni Cardo ang kanyang kamay mula sa labi ni Ella.
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...