GENERAL
Agad na isinugod sa ospital sina Ella, Cardo at iilan pang mga nasugatan mula sa pagsabog. Tinawagan na rin ang kanilang mga kaanak upang ipaalam sa kanila ang mga nangyari.
"Ser, okay lang ho ako," pagpipilit ni Cardo habang pilit na sinusulyapan si Ella na nakahiga sa isa sa mga hospital bed ng ER.
"Cardo, bumagsak ka kanina! Hindi pwedeng hindi ka magpatingin!" panenermon sa kanya ni Lolo Delfin.
Ngunit sadyang matigas ang bungo ni Cardo ay tumayo siya mula sa wheelchair na kinalalagyan niya at kumalas sa hawak ng mga nurse.
"CARDO!" tawag sa kanya ni Lolo Delfin ngunit hindi siya nagpatinag.
Agad siyang dumiretso sa station ward kung nasaan si Ella. Hinawi niya ang kurtinang nakatabon at nakita niyang inaasikaso na ng mga nars at doktor si Ella na wala pa ring malay at maraming nilalabas na dugo.
Hindi na magkamayaw ang nararamdaman ni Cardo. Punung-puno ng kaba at pighati ang kanyang puso. Ni hindi na nga niya maramdaman ang sakit sa pisikal niyang katawan dahil mas nangingibabaw ang pagbiyak ng puso niya dahil sa nakikita niya si Ella sa ganyang kalagayan.
"Dok, k-kamusta po siya? Dok..." sambit ni Cardo at pilit na nakikipagsiksikan sa mga nars.
"Sir, lumayo ho muna kayo upang maasikaso namin ng maayos ang pasyente," sambit ng isa sa mga nars at tuluyang napa-backward si Cardo.
Nakita naman ni Lolo Delfin ang pag-aalala at pangamba sa mukha ni Cardo habang nakaantabay sa pasyente'ng si Ella. Nagbunga naman ito ng pagtataka kay Lolo Delfin kung bakit ganito na lamang ang pag-aalala ni Cardo sa pasyente na ito.
Lalapitan na sana ni Lolo Delfin si Cardo nang dumating sina Lola Flora at pamilya nila na nag-aalala.
"Delfin!!!" nag-aalala at mangiyak-ngiyak na sambit ni Lola Flora.
Napayakap nalang sila sa isa't isa.
"Si Cardo?! Nasa'n ang apo ko?!"
"Nasa'n po si Kuya Cardo?! Ayos lang ba siya?!"
Itinuro ni Lolo Delfin kung nasaan si Cardo at agad naman siyang nilapitan nang mga ito.
"Jusko, Cardo! Salamat naman at ligtas ka!" sambit ni Lola Flora at niyakap si Cardo.
"Ayos lang, La..." mahinang sambit ni Cardo na nakatingin pa rin kay Ella.
Sina Xymon, Macky, Benny at iba pa ay napansin naman ang pag-aalala ni Cardo para sa pasyenteng nasa ward na ito. Maging sina Lola Flora ay napansin rin ito.
"Apo..." pagtawag ni Lola Flora kay Cardo.
Tinignan ni Cardo si Lola Flora nang maluha-luha. Niyakap nalang ni Lola Flora si Cardo kahit na hindi nito alam ang dahilan ng pag-iyak niya.
Agad namang tinignan ni Benny kung sino ang pasyenteng inaasikaso ng mga doktor at doon ay napagtanto ni Benny kung sino ito.
"Chiep..." hindi makapaniwalang pagtawag ni Benny kay Cardo. Napatingin si Cardo kay Benny at hindi niya napigilang mapaluha muli.
Dumating na sina Bogart, Jonel at Wanda sa private room na kung saan inilipat si Ella. 30 minutes ago ay naging stable na ang kondisyon ni Ella ngunit wala pa rin itong malay sapagkat masyadong malakas ang naging epekto ng pagsabog sa kanya. Sabi naman ng doktor, maya-maya'y magigising na rin siya.
"Nakakaloka. Buti nalang at 'di napuruhan si Ate Ella. Jusko, halos mamatay-matay ako kanina sa trabaho nang tawagan ako ng mga pulis 'no," sambit ni Wanda habang hinahaplos-haplos ang kamay ni Ella.
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...