A/N: Para hindi na magkalituhan, sa ITR, babae po si Ella. Again, babae si Ella. Sa FPJAP, bakla siya pero dito sa ITR, gagawin ko siyang babae. Hayaan niyo na... minsan lang 'to. Lol.
GENERAL
"Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?" tanong ni Cardo kay Ella nang maihatid na niya ito sa gate nila.
"'Di na nga, Cardo. Tsaka, diba dapat magpapahinga ka lang ngayong araw? Hindi ka na dapat magpapagod pa sa pagdrive," sagot naman ni Ella.
"Eh ayos lang naman sa'kin eh," pangatwiran ni Cardo. "Malakas na 'ko. Ihahatid lang naman kita."
Kahit na lubos nang nagpumilit si Cardo, umiling lamang si Ella nang nakangiti. Napakamot sa kanyang batok si Cardo.
"Hay. Sige na nga. Pero papasakayin kita ng taxi," sagot ni Cardo.
Nakangiting tumango nalang si Ella.
Nanatili si Cardo sa tabi ni Ella habang naghihintay sila ng taxi na dumaan. Palinga-linga lamang si Ella habang naghihintay ng taxi. Si Cardo naman ay nakangiting sumusulyap-sulyap sa huli. Hindi naman ito nakaiwas sa paningin ni Ella.
"Nako, Cardo. Kahit na hindi kita tinitignan diyan, alam kong tinutunaw mo na naman ako sa titig mo," natatawang sabi ni Ella habang nakatingin ng diretso sa daan at hindi kay Cardo.
Natawa nang marahan ang huli, "Hindi ko naman kasi maiwasang hindi tumingin sa magandang view."
"Ineechos mo ba ako ha?" tanong ni Ella at nilingon na si Cardo.
"Anong echos? Totoo 'yon," nakangising sabi ni Cardo.
"Alam mo, hindi ako naniniwala sa sinabi mong ako 'yong pinakamagandang babaeng nakilala mo sa tanang buhay mo," sambit ni Ella.
"Bukod kay Lola Flora at sa nanay ko, totoo namang ikaw 'yon," sagot naman ni Cardo.
Ella chuckled, "Sigurado ka?"
"Oo," nakangiting sagot ni Cardo. "'Di mo lang alam. Marami na akong babaeng nakilala sa buhay ko. Hindi ko na nga mabilang eh. Pero... Sa'yo lang kaya ako tinamaan no'ng nakita kita."
Nakangisi si Cardo habang sinasabi niya ito. Napapaiwas pa siya ng tingin kay Ella nang ito'y kanyang sinabi.
Napa-kilig smile naman kaagad si Ella sa sinabi ni Cardo. Bahagya siyang napayuko at ilang segundo pa'y nagkatinginan naman silang dalawa. Bahagyamg nakangiti si Cardo habang si Ella naman ay kalahating nakangiti at kalahating hindi maipaliwanag ang mukha. #natatae #juk
"S-seryoso ka ba?" natatawang tanong ni Ella. "Kung tutuusin, mas maganda pa nga si Ms. Alyana kaysa sa'kin eh."
Napakunot noo naman si Cardo sa sinabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...