GENERAL
Alas kwatro ng hapon.
Malamig na ang simoy at ihip ng hangin sa buong parke. Magkatabi man silang nakaupo sa mahabang bangkong gawa sa sementong pininturahan ng puti. Magkatabi man, may espasyo sa pagitan nilang dalawa.
"Kalimutan?" tanong niya sabay nilingon ang kanyang katabi. "Ang kalimutan ka ay isang bagay na kahit anong gawin ko, hindi ko magagawa. Ang kalimutan ka ay isang bagay na kahit kelan, hindi ko gugustuhing gawin. Ang kalimutan ka... ay hindi ang solusyon sa problema natin ngayon."
Bumuntong hininga si Ella sa sinabi ni Cardo.
"Alam ko," sagot ni Ella. Nilingon niya si Cardo. Ang espasyo sa pagitan nilang dalawa'y nawala nang siya'y umusog papalapit sa huli. "I'm sorry, main. Nadala lang ako."
Cardo pursed his lips then he breathed.
"Alam mo, para mo akong binigyan ng heart attack kanina," sambit ni Cardo. Binigyan siya ni Ella ng isang pa-'cute' na ngiti. "Ayokong naririnig 'yon mula sa'yo. Nakakasakit ng damdamin."
Muling napa-buntong hininga si Ella at niyakap nang patagilid si Cardo.
"I'm sorry, main. Sorry. Sorry. Sorry!" sambit ni Ella habang nakayakap kay Cardo. Hinalik-halikan niya pa ang huli sa kanang pisngi nito. "Hindi na mauulit. Sadyang nadala lang talaga ako. Sa susunod, mas pag-iisipan ko na. Hindi na ako bibitaw ng salitang alam kong pagsisisihan ko rin naman."
Nilingon ni Cardo ang kanyang nobya sabay ngumiti rito.
"Gain," panimula niya. "Alam kong hindi 'to madali para sa'ting dalawa... pero sana naman, alam mo na hindi ako basta-bastang susuko. Hindi ako naghintay ng limang taon para bitawan ka nang gano'n-gano'n lang. Gagawin ko ang lahat, matanggap ka lang ng pamilya ko, ni Lola. Naniniwala akong darating ang pagkakataong tatanggapin niya ang relasyon natin ng buong-buo."
"Thank you, main kasi hindi mo ako sinukuan. Nakakahiya," sambit ni Ella sabay tumawa nang mapait. "Ako pa 'tong nagtangkang sumuko."
Kumalas sa yakap si Ella at umupo nang maayos sa tabi ni Cardo.
She sighed, "Pakiramdam ko kasi... hindi ako nararapat para sa'yo eh. Ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko."
"'Wag mong sinasabi 'yan," sambit ni Cardo sabay hinawakan ang kamay ng huli at ipinatong ito sa kanyang hita. "Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo, Ella? Hindi ang nakaraan mo ang magbibigay depenisyon sa'yo. Hindi ang nakaraan mo ang magdidikta sa kung sino ang mamahalin mo at hindi. Nagmamahalan tayo, Ella at wala akong nakikitang mali sa ginagawa natin. Wala kang dapat ikabahala."
Ngumiti nang maikli si Ella sa huli.
"Hindi ko talaga alam kung anong ginawa ko para mahalin mo 'ko ng gan'to."
Ngumisi si Cardo at napatingin sa kamay nilang magkahawak ni Ella. Inintertwine niya ito at pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ni Ella'ng hawak niya. Tumingin siya sa huli.
"Hindi ko rin alam kung anong meron sayo't minahal kita ng gan'to," tugon ni Cardo. "Basta ang alam ko, mahal na mahal kita, Ella at hindi ako papayag na sumuko ka sa'kin. Tandaan mo, ididiretso na kita sa simbahan."
Natawa nang marahan si Ella, "Hala siya!!! 'Di ka pa nga sure kung o-oo ako sa proposal mo eh. 'Wag kang masyadong mag-expect."
"Eh hindi naman na kita tatanungin kung pakakasalan mo ako o hindi eh. Wala ng tanong-tanong. Isusuot ko kaagad sa'yo ang singsing at sisiguraduhin kong nasa tabi kita sa araw ng kasal natin."
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...