Kabanata XXXIII

1K 36 9
                                    

GENERAL





It has been 4 months since their 1st anniversary. Magpi-pitong buwan na rin mula no'ng hindi matanggap ni Lola Flora ang relasyon ng dalawa. Sa loob ng pitong buwan na iyon, sinubukan nina Cardo at Ella na patunayan kay Lola Flora na sila'y nagmamahalan ng totoo at hindi sila matitibag. Ginagawa rin naman ni Ella ang lahat para mapalapit muli kay Lola Flora upang matanggap na siya nito. Paminsan-minsa'y dumadalaw siya at nagdadala ng pagkain o kakaning paborito nito ngunit madalas, ayaw siyang harapin ni Lola.

"What do you think? Okay naman 'yong venue'ng napili namin ni Ferdi 'no?" tanong ni Curt kina Ana at Ella.

Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop. Kanya-kanya silang order ng kape at cheesecake na libre naman ni Curt dahil siya ang nagyaya. Ginusto kasi niyang makipagkita sa dalawa niyang matalik na kaibigan from Choicemart upang balitaan sila sa magaganap na kasal sa pagitan nilang dalawa ng fiancé niyang si Ferdi. Personal na rin niyang binigay sa dalawa ang kanilang mga imbitasyon.

"Yes. Ang ganda kaya! Ang sosyal pa. Swerte mo talaga sa mapapangasawa mo, Curt. Mayaman na, gwapo pa!" sambit ni Ana.

Curt laughed, "Kahit kelan talaga, Ana. You're very much practical."

"Syempre 'no! Mahirap na kaya buhay ngayon," tugon ni Ana. "Kaya ako, kung maiinlove man ako, sisiguraduhin kong doon ako sa kaya akong buhayin 'no. Hindi 'yong nagmamahalan nga kami pero saging lang naman kinakain namin."

"Dami mong sinabi!" natatawang sambit ni Curt.

"Hehe, pasensya na."

"Oy, Ella!" pagtawag ni Curt kay Ella na malayo ang tingin. "Ba't ba sobrang pre-occupied mo? Para kang hangin dito sa'min oh."

"Oo nga. Unusual," sambit naman ni Ana. "Ikaw 'tong pinakamaingay sa'tin eh."

Uminom si Ella mula sa malamig na kapeng binili niya.

"Wala naman. Tinatamad akong magsalita. Nakikinig lang ako sa chikahan niyo," sagot ni Ella.

"Weh? Nagsisinungaling ka eh," tugon ni Curt.

Ella frowned, "Ba't naman ako magsisinungaling?"

"Baka naman, hindi nagsisinungaling. Baka may tinatago lang," katwiran ni Ana.

"Alam mo, ang brainy mo talaga. Dami mong alam. Dulot ba 'yan ng kulot mo?" tanong ni Ella kay Ana at nilaro-laro ang kulot nitong buhok.

Ana proudly smiled, "I think so!"

Inalis na ni Ella ang kamay niya sa buhok ni Ana.

"Oh ano nga, girl? Iniiba mo usapan eh," sambit ni Curt.

"Ano ba pinag-uusapan natin? Kasal mo?" tanong ni Ella.

"Tapos na kaya 'yon," sagot ni Curt. "Ang topic na natin eh kung bakit ang tahimik mo."

"Wala lang nga."

"Nako. Naglilihim ka na sa'min ngayon ah? Porket 'di lang tayo nagsasama lage," sambit ni Ana na tumikim mula sa slice ng Matcha cheesecake niya.

"Eh hindi naman kasi ako dapat ang topic dito. Nagkita kaya tayo para sa kasal ni Curt," katwiran ni Ella.

"Tapos naman na. Tsaka, gusto ko rin makipag-catch up sa inyong dalawa 'no kaya nagyaya ako," sagot ni Curt.

"There's not much to talk about my life naman," sambit ni Ana. "Wala pa naman akong lovelife eh. Trabaho pa inaatupag ko lalo na't nag-aaral pa 'yong kapatid ko sa college."

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon