Kabanata XXXIV

979 33 22
                                    

GENERAL





"Ate Ella, bili kaya muna tayo fishball? Nagugutom ako eh," sambit ni Macky nang siya'y mainip kahihintay kina Cardo at Xymon.

"Ah, sige. Sa'n ba?" tanong ni Ella.

"Do'n lang sa unahan, 'te. 'Lika," pagyayaya ni Macky at hinawakan na ang kamay ni Ella.

Sabay na silang naglakad sa unahan kung saan may nagbebenta ng fishball, taho, sago't gulaman, buko juice, isaw at kung anu-ano pang street food. Madalas dito tumatambay upang kumain ang mga bata pagkatapos ng eskwela.

"Malinis naman dito, Ate Ella. Kumakain ka naman siguro nito diba?" tanong ni Macky.

Ella chuckled, "Syempre naman, Macky! Ako pa ba? Eh sanay ako sa gan'tong pagkain. Noon nga, ito na 'yung pananghalian at hapunan namin nina Jonel eh."

"Hala? Talaga ba?"

"Oo. Kapos kasi kami sa pera noon. Wala nga kaming matinong tirahan eh. Sa lansangan lang," sagot naman ni Ella. Ngumiti siya kay Macky at inabot na ang pera sa manong. "Manong, dalawang fishball cup nga po."

"Ay, 'te? Fishball cup lang? Walang fishball mismo?" tanong ni Macky.

"Tse! Nagpapakapilosopo ka rin diyan," natatawang tugon ni Ella.

"Ayan oh," pag-abot no'ng manong ng dalawang fishball cup na may lamang fishball kina Ella at Macky. "Macky, ganda nitong kasama mo ah? Ngayon ko lang yata nakita 'to."

"Luh siya! Si Tatay oh. Kung kelan tumanda, doon pa lumande," pang-aasar ng baklang katabi ni Manong Joey, ang anak niyang si Francis.

"Hala kayo, Manong Joey! Baka multuhin kayo bigla ng asawa niyo," dagdag pang pang-aasar ni Macky.

"Huy, mahal na mahal ko si Amy ah?" depensa ni Manong Joey sa kanyang sarili. "Nagtaka lang naman kung bakit may kasama kang maganda ngayon, Macky. 'Di mo naman dinadala 'yan dito eh."

Bahagyang napapangiti nalang si Ella sa kanyang sarili.

"Ganda ko talaga," bulong niya sa kanyang sarili sabay subo ng fishball niya.

"Manong Joey, talagang maganda 'tong Ate Ella ko---"

"Ate? May ate ka pala?" tanong ni Francis sa kanya.

"Hindi ate na kapatid. Ate siya kasi girlfriend siya ng Kuya Cardo ko," pagsagot ni Macky.

"Ay! Ito ba 'yung girlfriend ni Cardo, kamo? 'Yung kinekwento niya sa'kin, Mack?" tanong ni Manong Joey.

"Opo, Manong Joey. Siya 'yung girlfriend na kinekwento sa'yo ni Kuya Cardo," sagot ni Macky.

"Aba'y maganda nga ah? Iba rin talaga mga nasusungkit neto ni Cardo," pahayag ni Manong Joey.

Napangisi nalang si Ella, "Salamat po."

"Ano name mo, Ate?" tanong ni Francis.

"Ella," pagsagot niya.

"Hay sayaaang! Taken na pala si Kuya Cardo'ng crushie ko," sambit ni Francis sabay bumusangot.

"Anak, masyado ng matanda si Cardo para sa'yo. Hanap ka nalang ng ibang ka-edad mo," sambit ni Manong Joey at nag-entertain na iba pa niyang mga customer.

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon