Kabanata XVII

1K 39 23
                                    

GENERAL 



"Wanda, sige na! Sige naaaaa!" pagmamakaawa ni Ella. 

"Teka! Ito na nga oh. Nag-iisip na," sagot naman ni Wanda kay Ella. 

Parehas silang nakatayo sa harap ng kama ni Ella. Sa kama nito'y nakalatag ang lahat ng mga damit na balak niyang suotin ngayong araw para sa kanilang date ni Cardo. 

"Hmmm..." panimula ni Wanda habang nakapangalumbaba at tinitignan ang mga kadamitan ni Ella. "Mas bet ko 'tong pa-bestida mo. Tapos patungan mo ng maong na jacket." 

Agad na kinuha ni Ella mula sa kama ang napili ni Wanda at agad niyang tinulak palabas ang huli.

"Pakisabi kay Cardo nagbibihis pa. Aliwin niyo muna baka naiinip na," sambit ni Ella habang tinutulak palabas ng kwarto si Wanda. 

Balak pa sanang magsalita ni Wanda ngunit agad siyang sinaraduan ng pinto ni Ella. Hindi na nagsayang pa ng oras si Ella at agad na niyang isinuot ang floral na bestidang pinili para sa kanya ni Wanda. Sinunod din niya ang sinabi nitong maglagay ng maong na jacket. Madalian niyang inayos ang buhok niyang kulay blonde. 

She smiled at the mirror and looked at herself. 

"Maganda na ba ako?" tanong niya sa kanyang repleksyon sa salamin. 

"Oo naman," sagot niya sa kanyang sarili.

She chuckled. Pagkatapos ay dumiretso na siya palabas ng kanyang kwarto. 



Nakangiti siyang lumabas mula sa kanyang kwarto. Nang maisara niya ang pinto matapos ang kanyang paglabas, awtomatikong napalingon sa kanya sina Cardo at Wanda na nag-uusap sa sala. Ella smiled at Cardo as soon as his eyes were planted on hers. Dahan-dahang napatayo si Cardo at tila ba nagningning ang kanyang mga mata nang makita ang huli.

Naglakad si Ella papalapit sa kanila. Ngiting-ngiti naman si Cardo habang nakatitig kay Ella na papalapit na sa kanila ni Wanda. 

"Makangiti naman..." sambit ni Wanda. "Gandang-ganda kay Ella, Cardo?" 

Napangisi nalang si Cardo at napayuko nang bahagya sa sinabi ni Wanda. Tuluyan nang nakalapit si Ella sa kanila. 

"Hayaan mo na 'yan. Nahihiya lang 'yan kasi nasa harap niya crush niya," pagmamayabang ni Ella. 

"Ay oh! Self proclaimed!" natatawang sabi ni Wanda. 

"Hindi," sambit ni Cardo sabay palipat-lipat ng tingin kina Ella at Wanda. "Crush ko naman talaga siya."

"Aysuuus!!! Ngiting-ngiti na 'tong isa oh!" sambit ni Wanda at itinuro ang ngising namuo sa labi ni Ella. 

"'Wag ka nang daot!" saway naman ni Ella.

"Nako. Ginagawa niyo pa akong 3rd wheel niyo," reklamo ni Wanda sabay cross arms. "Maiwan ko na nga kayo diyan. Ke aga aga, may date date kayong nalalaman." 

Natawa nalang sina Cardo at Ella sa sinabi ni Wanda. Si Wanda nama'y naglakad na lamang papuntang kusina. 

Naiwan sina Cardo at Ella sa sala na magkaharap na nakatayo. 

"Sa'n tayo pupunta?" nakangiting tanong ni Ella. 

"Namimiss ka ng mga bata eh," nakangiting sagot ni Cardo. 

Lalo namang lumawak ang ngiti sa labi ni Ella. 

"At namimiss ko na rin sila," sagot ni Ella. Naglakad pa papalapit si Ella kay Cardo. "Sunduin natin sila tapos may pupuntahan tayo." 

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon