Kabanata XXXI

721 32 10
                                    

GENERAL 



Maagang nagising si Ella upang pumasok sa trabaho, as usual. Kasalukuyan niyang sinusuklyan ang blondina niyang buhok at tinitignan ang kanyang kabuuang itsura sa salamin. 

"Ate, nandiyan na si Cardo sa baba," sambit ni Wanda na kumatok at binuksan kaagad ang pinto ng kwarto ni Ella. 

"Sige. Baba na ako," sagot naman ni Ella. 

Isinara na muli ni Wanda ang pinto. Si Ella nama'y chineck na ang laman ng bag niya kung meron ba itong nakalimutan. Pagkatapos masiguradong dala na niya lahat ng gamit niya, lumabas na siya ng kwarto. Nagpaalam na siya kina Wanda, Jonel at Bogart na mukhang paalis na rin upang tumungo sa kani-kanilang trabaho.

Bumaba na si Ella ng hagdan palabas ng kanyang pamamahay. Nakita naman niya si Cardo na nakaabang sa kanya sa gate. Napangiti siya nang magtama ang kanilang mga mata. 

"Hi gain. Good morning," nakangising bati ni Cardo sa huli habang binubuksan ni Ella ang gate.

Nang mabuksan ni Ella ang gate, lumabas na siya't isinara ito bago hinarap si Cardo. 

Ngiting-ngiti lamang si Cardo sa kanyang girlfriend at akmang yayakapin na niya ito nang pigilan siya ng mga kamay ni Ella. Napakunot-noo naman siya dahil sa inasta ng girlfriend niya. Hinawakan ni Ella ang magkabilang pisngi ni Cardo at binalin ang ulo nito sa iba't ibang direksyon na para bang chinecheck niya ang bawat parte ng mukha at leeg ng huli. 

Bumitaw siya sa hawak niya sa pisngi ni Cardo, "Pakihubad ng jacket." 

Takang-taka pa rin si Cardo sa pinanggagawa ni Ella ngunit sumunod nalang siya sa iniutos ng huli. Hinubad niya ang itim na jacket na kanyang suot. Nang mahubad niya ito ay isa-isang tinignan ni Ella ang braso ni Cardo. Hinawak-hawakan niya pa ito upang makita ang bawat parte ng braso nito. 

"Uy, gain," sambit ni Cardo matapos i-check ni Ella ang kanyang mga braso. "Anong ginagawa mo?" 

Ella smiled, "Pwede mo na ulit suotin jacket mo." 

Nakakunot-noo pa ring sinuot ni Cardo ang kanyang jacket at nang maisuot niya ito, tinignan niya ng nagtataka si Ella. 

"Ano 'yon?" tanong niya. 

"Walaaa," sagot ni Ella. "Chinecheck ko lang naman kung may galos ka o wala. Just making sure na wala kang tinatagong sugat sa'kin. Masanay ka na dahil every time na manggagaling ka sa operasyon niyo, ichecheck kita lagi." 

Natawa naman nang bahagya si Cardo at napahilamos pa sa kanyang ilong pababa ng kanyang bibig. 

"Akala ko naman kung ano 'yong pinanggagawa mo sa'kin kanina. Akala ko, hahalikan mo na ako eh tapos pinaghubad mo pa 'ko."

Natawa rin nang bahagya si Ella, "Gano'n ba 'ko kalibog sa'yo, Cardo ha?"

"Oh bakit? Pwede naman ah? Boyfriend mo naman ako eh," natatawang sabi ni Cardo sabay kumindat pa. 

"Nako! Tantanan mo nga ako, Carding," sambit ni Ella at nilampasan na si Cardo upang makasakay na kay Rambo. 

Nang makasakay si Ella ay sumakay na rin naman si Cardo ngunit hindi niya inistart ang engine. Nakalingon lang siya kay Ella. 

"Uy. Tara na. Baka ma-late pa tayong dalawa," sambit ni Ella. 

"'Di tayo aalis dito hangga't wala akong good morning kiss tsaka good morning hug." 

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon