Kabanata XIII

786 36 10
                                    

GENERAL 



Ador

Ella, may gusto sana akong sabihin sa'yo. Kung pwede
sana... magkita tayo ngayon? Kahit after office mo na. 
Sunduin kita. 

Sige. See you.



Nakatitig lamang si Ella sa text convo nila ni Ador ngayong umaga habang nakapangalumbaba. Hindi siya umiimik at hindi man lang niya maialis ang kanyang tingin sa cellphone. 

"Ella, pinapatawag ka ni Mr. Anderson sa opisina," sambit ni Andrea, isa sa mga ka-departamento ni Ella. 

Napakunot-noo naman si Andrea nang hindi man lang siya binigyan ng pansin ni Ella. 

"Ella?" pagtawag niya muli rito ngunit nakatunganga pa rin ito sa kanyang cellphone. Napakamot sa kanyang ulo si Andrea. 

Naparaan naman si Arci sa cubicle ni Ella at nakita niya si Andrea na namomroblema. 

"Uy, Drea... anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Arci kay Andrea. 

"Arci, pwede bang ikaw nalang magpapunta diyan sa kaibigan mo kay Mr. Anderson?" pakiusap ni Andrea. 

"O-oh sige, pero bakit?"

"Kasi naman, kanina pa nakatunganga sa cellphone niya. Hindi ako pinapansin," reklamo ni Andrea. 

Tumango naman si Arci, "Sige. Ako na bahala."

Bahagyang ngumiti si Andrea bago naglakad paalis. Sa pagkakataong ito, pumasok na ng tuluyan si Arci sa cubicle ni Ella at bahagyang tinapik ang balikat nito. Napatingin naman sa kanya si Ella. 

"Oh?" wala sa sariling tugon ni Ella. 

"Ano bang nangyayari sa'yo, girl?" tanong ni Arci. 

"B-bakit? Wala naman," sagot ni Ella at ni-lock ang kanyang cellphone sabay lapag nito sa kanyang mesa. 

"Anong wala? Eh kanina ka pa tinatawag ni Andrea tapos 'di mo man lang siya pinapansin," sambit ni Arci. 

Napakunot-noo si Ella, "Hindi ko siya narinig."

"Kasi nakatunganga ka diyan," pagsagot ni Arci. "Tumayo ka na diyan dahil pinapatawag ka ni Mr. Anderson sa opisina niya." 

Tumayo naman si Ella mula sa kanyang swivel chair at inayos ang kanyang sarili. 

"'Wag ka munang magpaka-lutang. Baka kung anu-ano pa masagot mo do'n kay Mr. Anderson," bilin ni Arci kay Ella. 

"Ba't ba ako pinapatawag?" tanong ni Ella. 

Arci shrugged. 

"Sige," sambit ni Ella at naglakad na patungo sa opisina ni Mr. Anderson habang si Arci naman ay naglakad na rin pabalik ng kanyang cubicle. 

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon