ELLA
It has been weeks, almost a month since nakabalik ako sa trabaho. It has been that time since I last saw Joaquin.
Hindi ko alam pero hindi ako mapanatag. Ngayong hindi ako ginagambala ni Joaquin, pakiramdam ko, nandiyan lang pa rin siya paligid at minamanmanan ang bawat galaw ko. Ano 'yun? Matapos niya akong pagbantaan, basta-basta nalang siyang mawawala? Naniniwala akong hindi basta-bastang titigil si Joaquin sa panggagambala sa'min ni Cardo.
Mas lalo akong nakakaramdam ng takot ngayong nananahimik sa lungga niya si Joaquin. Lalo pa't hindi na siya pumapasok sa CIDG. Kumalat na rin sa balita ang pagha-hunting sa kanila ng kanyang ama ng mga kapulisan dahil nga sa lumabas na ang mga spekulasyon na sila'y guilty sa pagkakabilang sa isang illegal drug syndicate. Wanted na sila ngayon ng ama niya.
Dahil doon, naapektuhan ang businesses nila. This month, bumaba ang sales Papa Toms at Rachena pero we're doing the best that we can na hindi madamay ang kompanya sa anumalyang ginagawa ng mag-ama. Lumabas na rin sa media si Ma'am Verna saying that she is one with the people na gustong masugpo ang krimeng ginagawa ng kanyang mag-ama. Nanawagan din siya kina Sir Tomas at Joaquin na sumuko na sa mga kapulisan dahil kahit anong gawin nila, wala na silang kawala. Pero kahit na iyon na ang ginawa ni Ma'am Verna, marami pa ring hindi mga naniniwala sa kanya. Saad ng iba, baka si Ma'am Verna pa ang tumutulong kina Joaquin na magtago.
Sa pagkakakilala ko kay Ma'am Verna at kay Rachel, talagang mabubuti silang tao at wala silang kinalaman sa kalokohang pinanggagawa nina Sir Tomas at Joaquin. Nakikipagtulungan din silang dalawa sa CIDG para matuntun na ang kanilang mga kapamilya.
Habang nagtatago pa rin Joaquin sa lungga niya, hindi pa rin ako mapalagay. Pakiramdam ko, may kinukulo na naman siyang plano na bubulabog sa'ming lahat. Hindi sa nag-ooverthink ako pero posible naman kasi diba? Joaquin Tuazon is no longer the Joaquin Tuazon I knew. Iba siya. Halimaw siya.
"Ito ba ang aayusan namin?" tanong ng baklang naka-eyeglasses nang makapasok kami nina Jonel at Wanda sa loob ng pinagtatrabahuan nilang salon.
Kadarating ko lang dito sa salon nila galing sa trabaho. Nag-half day ako upang maayusan nila ako para sa event mamayang gabi.
Tonight is a special night, actually. Sa kabila ng lahat ng mga napagdaanan namin recently, tonight will be a night of celebration. Aattend kami nina Jonel, Wanda at Bogart for the first time ng isang formal event ng pamahalaan. Yes, you heard it right. Pamahalaan talaga ang nag-organize ng event na ito. We will be attending the 1st Philippine Great Forces GALA kung saan pangangaralan ng Pangulo ng Pilipinas ang, ehem, boyfriend ko sa pagiging magiting na pulis. Mapopromote din siya bilang Police Senior Inspector ng CIDG Headquarters. Bale, siya ang pumalit sa posisyon ni Joaquin. Si General Delfin naman ay papangaralan din ngayong gabi.
"Yes, Mama Chie! Pagandahin mo ng bonggang-bongga 'tong kapatid namin ha? Siya lang naman kasi ang nag-iisang girlfriend ni Ricardo Dalisay na pangangaralan sa GALA chunayt!" proud na sagot ni Jonel kay 'Mama Chie' raw.
"Pak! No problem, Jonel! Ako na ang bahalang magpaganda lalo diyan sa kapatid mo," nakangising saad ni Mama Chie. Inilahad niya ang kanyang kamay sa'kin. "Hi. Ako nga pala si Archie, Head Make Up Artist ng salon na ito. Ikaw si?"
Kinuha ko naman ang kamay niya, "Ella. Akala ko naman, Mama Chie talaga pangalan mo."
"Ay, hahaha! Mama Chie kasi tawag sa'kin dito sa salon."
"Nako, Ella. 'Yang si Mama Chie, sobrang galing niyan mag-make up!" pagpuri ni Wanda sa kanya. "Tapos syempre, si Jonel na Senior Hairstylist sa salon na 'to. Kapag pinagsama mo ang art nila, nako, kabog!"
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...