A/N: There may be twists and characters here na hindi katulad ng sa nangyayari sa FPJAP. This is my own imagination. Kinuha ko lang mula sa FPJAP ang concept ng CardElla and the characters but the rest is my original idea so... 'wag na kayong magulat kung magkaibang-magkaiba ito sa FPJAP. Thank you!!! :------))
ELLA
"So... Ms. Ella Moreno, I officially welcome you to Rachena Shoe Corporation," nakangiting pagbati ng babaeng boss ko.
All smiles naman akong nakipagkamay sa kanya.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng office niya. Siya ang may-ari ng Rachena [Rayshena] Shoe Corporation at unang araw ko pa lang sa trabaho ay pinatawag na agad niya ako dito. Kabadong-kabado nga ako eh! Buti nalang at mukhang mabait naman itong si Ma'am.
"Maraming salamat po, Ma'am Verna," sambit ko matapos naming magkamay.
"You know what, I'm really impressed sa mga shoe designs mo na nakita kosa mula sa portfolio na binigay sa'kin ng HR. 'Di ko lang natanong ang tungkol sa work experience mo so... I'm asking now," sambit ni Ma'am Verna. "Have you ever worked for a company before?"
Sa tanong na iyon ni Ma'am Verna ay napalunok ako at pakiramdam ko ay may bumarang tinik sa lalamunan ko. Jusko. Kahit no'ng interview pa lang sa HR ay talagang kinakabahan ako kapag tinatanong ako tungkol sa work experience ko.
Alangan namang sabihin kong pagiging cyber sex diva ang trabaho ko noon? Oh edi, wapak. You're fired agad, ganern!
"Uhm..." panimula ko. Napakamot ako sa batok ko. Kung anong sinagot ko sa HR, 'yon nalang rin isasagot ko rito kay Ma'am Verna. "Ahh... w-wala po akong work experience sa pagdedesign ng sapatos, Ma'am. Nakahiligan ko lang po talagang gumawa ng designs no'ng college ako and ngayon po, ipinagpapatuloy ko nalang."
"Talaga? Parang 'di ako makapaniwala. Ang galing kaya ng mga designs mo! Even my daughter, Rachel, is very impressed no'ng pinakita ko sa kanya ang portfolio mo," nakangiting puri sa akin ni Ma'am Verna.
Eh syempre, noong mga panahong bagot na bagot ako sa kulungan, pagdidisenyo ng sapatos ang pinagkakaabalahan ko. 'Yong portfolio na pinasa ko sa kanila ay mula pa noong nasa bilibid pa 'ko. Oh, diba? Bongga rin!!! May magandang maidudulot rin pala ang pagkakakulong ko.
Ngumiti ako kay Ma'am Verna, "Nako, Ma'am. Masyado naman na pong nakakahiya 'yong mga papuri mo eh hindi naman po talaga ako professional designer."
"That's why you're here," sagot naman niya. "I will be looking forward to all your works, Ella. I wanted something new for Rachena Shoes and I saw it in your designs. I hope you won't fail me."
"Sure, Ma'am. Gagawin ko po ang best ko para sa kompanya," nakangiting sagot ko.
She smiled back.
"Well now, go ahead and start working."
"Sige po, Ma'am."
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko sa harap ng desk niya. Ngumiti ako sa huling pagkakataon at tumalikod na. Naglakad na 'ko palabas ng opisina ng may-ari.
Whoooo, salamat!!! Kinabahan talaga ako ng bongga no'ng pinatawag ako, dai. First day pa lang, gano'n na agad? Buti nalang at puros papuri ang pinahayag ni Ma'am Verna sa akin. Nakakaganda tuloy ng araw. Bumalik na ako sa 3rd floor kung nasaan ang Designing Department. Nandoon kasi ang cubicle ko that serves as my workplace.
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...