Kabanata VI

866 38 21
                                    

A/N: Curt as Anne Curtis, Ana as Karylle Tatlonghari, Raul as Teddy Corpuz and Lawrence as Paulo Avelino. :-----))



GENERAL



After 3 weeks...



"Welcome home, Ate Ella!!!"



Napangiti naman si Ella nang makita ang sorpresang inihanda para sa kanya ng kanyang mga kapatid. Si Bogart at may dala-dalang cake habang si Wanda ay may hawak na mga balloon at si Jonel ang may hawak ng banner na ginawa nila. Sa hapag naman ay may mga pagkain na siyang paborito ni Ella.

"Oh, nag-effort pa talaga kayo ah? Para namang isang buwan ako nawala," natatawang sabi ni Ella habang inaalalayan siya ni Ador patungo sa couch.

Hindi pa kasi ito makalakad ng maayos dahil sa injury na natamo. Pinaupo siya ni Ador sa couch at inilapag nito ang mga bag sa katabing upuan.



"Si Ador talaga gumastos nito lahat 'no. Kami lang nag-ayos," sambit naman ni Wanda.

"Oo nga!!! Ma-effort talaga 'tong jowa mo, Ate," sabi naman ni Bogart.

"Huy, anong jowa?" tanong naman ni Ella.

"Ayy, 'di pa ba kayo mag-jowa?" tanong naman ni Wanda sa dalawa.

Palihim na napangiti ng bahagya si Ador sa sinabi nila. Napansin naman ito ni Jonel.

"Ohhh!!! Kung makangiti si Ador oh," sabi niya at tinuro si Ador. Napatingin naman sina Ella at siya'y napangiti rin. "Tas ngumiti na rin si Ella. Oh edi, kayo na nga."

"Baliw!!! Hindi nga sabi," depensa naman ni Vice ngunit may ngiti pa rin sa mga labi.

"Eh kelan pa?" tanong naman ni Bogart.



Nagkatinginan naman nang 'di inaasahan sina Ella at Ador. Ngunit agad rin naman niya iniwas ang kanyang tingin dahil hindi na niya mapigilan ang mapangiti.



"WELCOME HOMEEEE!!!"



Lalo namang napuno ng saya at ingay ang bahay nang dumating na ang mga katrabaho ni Ella. Agad naman siyang dinalo ng mga ito at sila'y nagkamustahan at nagyakapan. Iisang beses lang kasi silang nakabisita kay Ella noong nasa ospital pa ito.

"Ayos 'yong plano natin, brad ah? Napasaya mo Ate ko," bulong ni Bogart kay Ador nang makapunta na sa dining table sina Ella kasama ang kanyang mga kaibigan at kapatid.

Ngumiti si Ador kay Bogart, "Wala 'yon."

"Sabihin mo lang sa'kin, Ador kung..." he paused and looked and nodded at Ador. "...may plano ka nang gawing girlfriend si Ate Ella."

Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Ador.

"Magkaibigan lang kami ng Ate Ella mo," sagot naman ni Ador.

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon