GENERAL
Nakapangalumbaba na nakatutok si Joaquin sa kanyang laptop. Binabasa at sinusuri ang bawat detalyeng nasa harap ng kanyang screen.
"So, you are telling me that Ella..." panimula ni Joaquin. Ibinalin niya ang kanyang paningin kay Greg na nakaupo sa harap ng kanyang desk. "...is an ex-convict?"
Tumatango-tangong ngumisi si Greg, "A sextortionist to be exact, Joaquin."
Halos hindi naman makapaniwala si Joaquin sa sinabi ni Greg at sa kanyang nababasa.
"H-how? Saan siya nakulong?" tanong ni Joaquin.
"Ikinulong muna siya rito sa CIDG bago siya masintensyahan. Actually, hindi lang siya kundi pati mga kaibigan niya. At nang masintensyahan na ang kaso nila, inilipat sila sa City Jail ng Tondo at hindi sa bilibid. Para na rin sa safety nila lalo na't hindi naman sila mga lalaki," sagot ni Greg.
"Where did you get all these files?" tanong ni Joaquin.
Greg smirked, "Nakuha ko ang usb ni Cardo sa kanyang desk. Naiwan niya kasi roon and surprisingly, sa pang-uusisa ko, 'yan ang nakita ko."
Napahimas si Joaquin sa kanyang baba habang nakasandig sa kanyang swivel chair at nakatutok sa kanyang laptop.
"So, Cardo knows this?" tanong ni Joaquin. "Alam niyang ex-convict si Ella pero ginawa niya pa ring girlfriend?"
"Of course, he knows this, Joaquin," sagot ni Greg. "Sa palagay ko nga, siya pa mismo ang nakahuli kay Ella at sa mga kaibigan niya noon dahil meron siyang kumpletong files ng kaso nito. Who knows? They've fallen in love with each other even before."
"Teka..." sambit ni Joaquin na parang biglang napaisip. "May naaalala akong hinuli kaming sextortionist noon eh. Hindi ko lang sigurado kung si Ella ba 'yon dahil hindi ko naman masyadong binigyan ng pansin 'yong operasyon na 'yon. It was Cardo who handled it."
"Malaking posibiledad na si Ella 'yon at ang mga kaibigan niya, Joaquin," sambit ni Greg.
"I can't believe this," sambit ni Joaquin.
Napangisi naman si greg sa reaksyon ni Joaquin.
"Oh, ano? Na-turn off ka na ba ro'n sa Ella'ng 'yon?" tanong ni Greg. "Ibalato mo na kay Cardo 'yon. Maruming babae na 'yon eh."
Napa-igting panga si Joaquin sa sinabi ni Greg.
"Shut up, you moron," galit na sabi ni Joaquin. "'Wag na 'wag mong matawag na gano'n si Ella."
Nagtaka naman si Greg sa sinabi ng kanyang kaibigan.
"What? It's the truth. Ayan nga oh. Nasa harap mo na mismo ang ebidensya."
"I don't fuckin' care if she was an ex-convict or a sextortionist," madiin na sabi ni Joaquin. Malakas niyang isinara ang kanyang laptop. Nag-lean siya sa kanyang table at tinignan si Greg ng mata sa mata. "Hindi mapapabago no'n ang nararamdaman ko para sa kanya and you know me, Greg, I get what I want. Hinding-hindi ko ibabalato o ibibigay nang gano'n-gano'n lang si Ella kay Cardo. Hindi ako makakapayag na matalo ako. I win at everything. Mark my word."
Greg gulped and slowly nodded at what Joaquin said.
"Alam ko, Joaquin. Sorry sa nasabi ko," sambit ni Greg.
Muling isinandal ni Joaquin ang kanyang likod sa kanyang swivel chair.
"You may leave," utos niya.
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...