Kabanata XIV

756 34 5
                                    

ELLA



Alas kwatro pa lang ng umaga, dilat na dilat na ang maga kong mga mata pero ayoko pang bumangon mula sa kama.

Sariwang-sariwa pa sa utak ko ang mga pangyayari kagabi.

Kung paano niya ako pinaiyak...

Kung paano niya ako sinaktan...

Kung paano niya ako iniwan...

Hindi ko inakalang gan'to ang klaseng sakit na mararamdaman ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nasaktan ng gan'to ng dahil sa isang taong hindi ko naman kadugo o kapamilya. Walang makakapantay sa sakit na dinulot sa'kin ng pamilya ko pero itong sakit na dinulot sa'kin ni Ador, hindi ko maipaliwanag at matansya kung sukdulan na ba.

Basta, ang alam ko lang, masakit. Sobrang sakit.



"Ito na 'yong huli nating pagkikita, Ella. Aalis na ako."

Paano ko ba nakayanang marinig ang mga masasakit na salitang iyan?



"Patawarin mo 'ko, Ella. Hindi ko sinasadyang saktan ka."

Hindi sinasadya? Pero shet, ginawa niya. GINAWA NIYA.



"Ipangako mo sa'kin na magiging masaya ka kahit wala na ako."

Paano magiging masaya kung wala ka na, Ador? Maaaring hindi ko masyadong nabigyan ng pansin ang presensya mo no'ng nasa tabi pa kita pero napagtanto kong mahirap pala na mawala ka.

At dahil sa pag-alis mo, bigla nalang akong nalito.



"Kaya mo, Ella. Kaya mo. Hindi ako ang mahal mo kaya kakayanin mo. Nandiyan si Cardo para sa'yo. Hinding-hindi ka niya iiwan. Hindi siya katulad ko na iiwanan ka."

No'ng panahong nandiyan ka, ang buong atensyon ko ay naka'y Cardo lamang pero ngayong nagpaalam ka, Ador... ni hindi ko na nga alam kung kakayanin ko pang maging kasing-saya tulad ng dati.

Siguro nga, hindi ako kayang iwan ni Cardo pero bakit ikaw, Ador? Bakit napakadali para sa'yong iwan ako?



"Mahal kita, Ella. Mahal ka ni Ador. Pero kailangan niyang umalis. Kailangan niyang iwan ka at sana mapatawad mo pa rin siya dahil wala siyang ibang intensyon kundi ang mapabuti at mapasaya ka. Mahal kita. Pero kasabay ng pagbuhos ng ulan, kailangan ko nang lumisan."

Mahal mo ako pero nagawa mo akong iwan?

Pinagloloko mo ba ako, Ador? Hindi mo iniiwan ang taong mahal mo. Hindi.



Hindi naman ako pwedeng magmukmok sa kama buong araw kaya naman pagpatak ng ala singko, bumangon na ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Puros iyak lang ata ang ginawa ko kagabi. Nakakaloka. Brokenhearted na nga ako, haggard pa! So ano? Mukha na ba akong aswang nito?

Dumiretso nalang ako sa kubeta para makaligo na. Mahirap nang ma-late sa trabaho. Baka madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko.

Habang bumubuhos ang mainit-init na tubig mula sa shower, napapaisip nalang ako. Handa na ba talaga ako? Handa na ba akong sanayin ang sarili ko na wala ng Ador sa buhay ko? Wala na 'yong kakampi ko, 'yong kasangga ko, 'yong napagkekwentuhan ko ng mga bagay-bagay, 'yong best friend ko. Alam ko namang nandiyan pa rin sina Jonel. 'Yong mga baklang 'yon, alam kong hindi nila ako iiwan pero... iba si Ador eh. Kahit na hindi ko naman siya nakasama ng kasing-tagal tulad ng kina Jonel, Wanda at Bogart, naging isang napakalaking parte na siya ng buhay ko.

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon