GENERAL
Alas nwebe na ng gabi at akmang uuwi na siya nang makita ang folder na ito sa ibabaw ng kanyang desk matapos niyang tumungo sa CR.
Ang folder na ito ay naglalaman ng importanteng impormasyon na hindi na sana dapat naungkat pa.
"Si Ella? Dating bilanggo?"
Hindi makatulog si Delfin magmula pa no'ng kanina na siya'y makauwi. Kanina'y nakahiga na siya sa kama ngunit naupo nalang muli siya dahil nga hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya binabagabag ng mga nalaman niya bago pa man siya tuluyang makauwi ng bahay.
Mag-a-alas dose na ng gabi nang hindi na niya makayanan at agad niyang dinial ang telepono ng kanyang apo. Matapos ang ilang pag-ring, hindi naman siya nabigo nang sinagot ito ng huli.
"Hello, Lo? Napatawag ho kayo ng gan'tong oras? May problema ho ba?"
"Cardo."
"O-opo, Lo. Bakit po?"
Bahagyang natahimik si Delfin sabay bumuntong hininga.
"May problema ho ba, Lo? Nasa'n po ba kayo ngayon?" tanong ni Cardo at bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.
"Nasa bahay," sagot naman ni Delfin sa pangalawang katanungan ni Cardo.
"Ah... bakit nga po pala kayo napatawag, Lo?" muling pagtanong ni Cardo.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa linya nila dahil hindi masagot ni Delfin ang katanungan ng huli sa hindi malamang dahilan. Tila ba may pumipigil sa kanyang sabihin kung ano ang nasa utak niya.
"Lo, may hindi po ba ako nalalaman?"
Bumuntong hininga si Delfin bago sinagot ang huli, "Hindi ko gustong sa telepono natin ito pag-usapan."
Dahil sa sinabing iyon ni Delfin, hindi naman napigilan ni Cardo ang naramdaman niyang kaba.
"Maaari ka bang dumiretso sa opisina ko bukas ng alas nuwebe ng umaga?"
Mula sa kabilang linya ay napalunok si Cardo at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bumigat din ang kanyang paghinga.
"Tungkol sa'n po ba 'to, Lo?" pagtatangkang tanong ni Cardo.
"Basta," madiin na sambit ni Lolo Delfin. "Magkita tayo sa opisina ko bukas."
Halos buong gabi ay iniisip ni Cardo kung ano nga ba ang pag-uusapan nila ni Delfin kinabukasan.
"Hindi ko alam, gain eh. Kinakabahan ako sa tono ni Lolo," sambit ni Cardo sa telepono.
Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kama at nakalapag ang kanyang cellphone sa gilid ng unan, katabi ng ulo niya. Naka-loud speaker ito at nasa kabilang linya lang naman ang girlfriend niya.
"Malay mo naman, tungkol sa trabaho 'yon, main. 'Wag ka ng ma-stress diyan," suhestiyon naman ni Ella.
"Sana nga, gano'n lang, gain pero ewan ko ba... iba talaga pakiramdam ko."
Bumuntong hininga naman si Ella mula sa kabilang linya, "Kung ano man 'yong pag-uusapan niyo bukas, main... sabihan mo agad ako pero kung about work naman and there's nothing to worry, you can keep it to yourself. Basta ang sa'kin lang, kapag bothered ka, sabihin mo kaagad sa akin."
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...