Author's Note: May iibahin nga po pala ako sa kwento ng nakaraan ni Ella. It will be different from her past's story in FPJAP. Just for the story plot's purpose. Baka malito kayo. Hahaha. :-)
GENERAL
He arrived in front of the Rachena Shoe Corporation building 5 minutes earlier than 5 pm. Iginarahe lang muna niya ang kanyang sasakyan sa gilid saka bumaba ng sasakyan at tumungo papasok sa loob ng building.
"Good afternoon, Sir," bati sa kanya ng isa sa mga guwardiya.
Natigil siya nang bahagya sa paglalakad papasok at napangiti sa guard na ito.
"Good afternoon," bati niya pabalik. "Pwede ko bang hintayin dito sa loob 'yong girlfriend ko?"
"Ah... si Ms. Ella po ba 'yan, Sir?" nakangiting tanong ng guwardiya.
Napangiti naman pabalik si Cardo.
"Oo," sagot niya.
"Syempre naman po, Sir! Pwedeng-pwede niyo pong intayin siya sa lobby," ngising-ngisi na sambit ng guwardiya.
"Sige. Salamat," tugon ni Cardo.
He was still all smiles as he entered the building and went to one of the couches in the lobby to wait for his girlfriend.
Nag-iisa lamang siyang nakaupo sa mga couch at iniikot niya lang naman ang kanyang tingin sa kabuuan ng building. Maganda ang ambiance nito at makikita mong mamahaling gamit ang mga ginamit upang mabuo ang building na ito.
A few minutes later, nang tuluyan nang mag-5pm sa kanyang relo, tinawagan na niya ang telepono ng kanyang hinihintay.
"Hello, Cardo?"
Awtomatikong napangiti si Cardo nang marinig ang boses nang huli.
"Ella," nakangiti niyang bati.
"Uhm, pa-out na ako. Ikaw? Sa'n ka?" tanong ni Ella sa kabilang linya.
"Nandito na ako sa lobby niyo," sagot ni Cardo.
"Ha? Talaga? Kanina ka pa ba andiyan?"
"'Di naman. Kararating ko lang din."
"Ah... sige sige. Magla-log out lang ako tas baba na ako."
Napangisi si Cardo, "Hintayin kita rito."
"Okay, Carding."
Isang matamis na ngiti ang bumuo sa kani-kanilang mga labi.
Ibinaba na ni Cardo ang tawag at muli nalang naghintay sa kanyang kinauupuan. He was patiently waiting for her to come out of the elevator when suddenly, his eyes and someone's eyes met. Someone who just entered the building.
Napatayo si Cardo nang magtama ang kanilang mga paningin. The other walked towards him and when they were just a few centimeters away, they spoke.
"Cardo," pagtawag niya sa huli.
"Ser," tugon ni Cardo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito.
"May hinihintay lang po, Sir Joaquin," pagsagot ni Cardo.
Joaquin smirked, "Girlfriend mo?"
Cardo gave a small smile to him.
"Nabalitaan ko 'yon," sambit ni Joaquin. "Hindi ko naman alam na pwede ka rin palang maging lover boy."
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...