GENERAL
Inihatid pauwi ni Bea si Ella sa kanilang pamamahay matapos nilang kumain sa restaurant.
"See you tomorrow, Ate Gurl," sambit ni Bea nang makababa si Vice mula sa kanyang kotse. Inuna niya kasing ihatid si Arci.
"See you rin tomorrow, 'te. Ingat ka pauwi," bilin ni Vice kay Bea.
"Yeees. Bye!!!" sambit niya at pinindot na ang remote upang tumaas na ang bintana.
Makalipas ang ilang segundo, lumarga na ang sasakyan ni Bea paalis. Sinundan niya pa ito ng tingin at pagkatapos ay tumalikod na siya upang makapasok sa kanilang gate. Binubuksan pa lamang niya ang kanilang gate nang maramdaman niyang may kotseng pumarada sa harap ng kanilang pamamahay.
Natigil siya sa pagbubukas ng kanilang gate nang marinig niya ang pagkalampag ng pinto ng sasakyan.
"Shet. Kung mamalasin nga naman, oo! Ngayon pa may magtatangka," bulong niya sa kanyang sarili.
"Excuse me? You sayin' something?"
Nanlaki ang mga mata ni Ella nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang napalingon at doon ay nakita niya ang isang lalaking hindi niya inaasahang makikita niya sa harap ng kanyang pamamahay.
"S-sir Joaquin?" 'di makapaniwalang sambit ni Vice.
"Hi... Ella."
Nakaramdam si Ella nang pagkalito sa paglitaw ni Joaquin sa kanyang harapan sa gan'tong oras ng gabi.
"Sir, a-ano pong ginagawa niyo dito? Tsaka, paano niyo po nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ni Ella.
"I... uhm, followed Bea's car," pagsagot niya. "We ate at the same restaurant earlier, right?"
"Eh ba't niyo po sinundan?" tanong naman ni Ella.
"Is it bad if I do?"
"Nagmumukha kayong stalker, Sir," diretsong pahayag ni Ella.
Joaquin chuckled.
"I'm not a stalker. I don't look like one," sambit niya sabay smirk.
"Bakit nga po kayo nandito, Sir?" tanong naman muli ni Ella.
"Nothing," sagot naman ni Joaquin.
Lalong napa-kunot noo si Ella sa sagot ng huli. He shrugged.
"Well... it seems like I'm, somehow, interested."
"Interested?"
"In you."
Natigil si Ella sa sinagot ni Joaquin.
"Uhh... don't get me wrong," pagbawi ni Joaquin sa kanyang sinabi. "I'm interested because... this is the first time I got involved in my mother's company. And that's because of you."
"Dahil po sa'kin?" tanong ni Ella.
Litong-lito na po ang inyong bida.
Leche ka kasi, Joaquin. Ano bang ginagawa mo diyan? Panira ka talaga kahit kelan.
"Apparently, yes. My mom seems to appreciate your designs the most. She actually wants me to get to know more about you. Currently, nasa Singapore siya ngayon kasama ng kapatid ko, si Rachel. Also, my sister commends your work so much. As soon as they arrive home, Rachel's planning to meet you."
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
Fiksi PenggemarSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...