Kabanata XXXIX
GENERAL
Parehas mang basa mula sa pagkaka-buhos ng malakas na ulan, masayang magka-hawak kamay ang dalawang magsing-irog na ngayo'y engaged na. Kasalukuyang nagda-drive si Cardo gamit ang isa niya pang kamay habang magka-salikop ang kanilang kamay ni Ella.
"Pag-uwi mo, maligo ka kaagad ah? Para hindi ka magkasakit," saad ni Ella.
"Hindi pa tayo mag-asawa pero sobra mo na kung alagaan ako. Pa'no pa kaya pag naging mag-asawa na tayo 'no? Baka gawin mo na akong baby niyan, gain," nakangiting tugon ni Cardo.
"Gawin pa kitang fetus kung gusto mo eh."
Napangisi naman si Cardo't hinalikan ang kamay ni Ella na hawak niya.
"Ikaw ah? Prepared ka naman pala," sambit ni Ella. Ngumisi siya, "Pinagplanuhan mo 'to 'no?"
"Hmmm... syempre, pinlano ko nang magpropose sa'yo," sagot ni Cardo. "Naalala mo, pinag-usapan pa natin 'yung tungkol sa kasal habang nasa ospital ka pa. Bago ka pa man maaksidente, nabili ko na 'tong singsing. Naghahanap lang ako ng tiyempo kung kelan ko itatanong sa'yo."
Natawa nang marahan si Ella, "Sus! 'Di mo 'yan ilalabas kanina kung hindi ako naunang magtanong eh."
"Naramdaman ko na rin naman kanina na 'yun na 'yung tamang oras at pagkakataon para ibigay sa'yo 'to. Ang perfect kaya no'ng eksena natin kanina. Napaka-romantiko."
"Oo nga. Umuulan pa," sambit ni Ella.
Ngumiti si Cardo habang nakatutok ang atensyon sa daan.
"Kapag sapat na 'yung perang naipon natin, paghahandaan na agad natin 'yung kasal natin ah? Kahit gaano pa ka-engrande 'yan, ibibigay ko sa'yo, Ella. Kung gusto mo, ngayong taon o 'di kaya, sa susunod na taon nalang. Basta, kahit anong gusto mo... masusunod."
"Hindi ko naman ihihiling na engrande o extravagant masyado 'yung kasal. Kahit ano, basta ikaw 'yung pakakasalan ko, okay na ako," saad ni Ella.
Cardo breathed at napangiti sa sinabi ng huli.
"Basta, mahal na mahal kita. Alam mo naman 'yan, Ella diba? Kahit anong mangyari, nandito lang ako para protektahan at alagaan ka."
"Alam ko 'yun," nakangiti ring saad ni Ella. "Mahal na mahal din kita, Cardo. Nandito lang din ako para alagaan at mahalin ka... panghabambuhay."
"Handa na akong makasama ka sa buong buhay ko. Hindi na ako magdadalawang-isip pa, Ella. Ilang beses ko nang nasabi sa'yo kung gaano ka kasigurado na ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay diba?"
Napatingin si Ella sa kamay nila ni Cardo na magkasalikop.
"Ano mang pagsubok dumating sa'ting dalawa, maaasahan mong hindi ako bibitaw sa'yo. Hindi kita iiwan. Hindi ko kakayaning mawala sa tabi mo," dagdag pa ni Cardo.
"Lahat ng nararamdaman mo para sa akin, Cardo... susuklian ko," tugon ni Ella. "Dahil alam ko sa sarili ko na ikaw lang din ang lalaking mamahalin ko habambuhay. Ayan na nga oh. Pumayag na akong pakasalan ka."
"Eh ikaw nga 'tong naunang magpropose sa'kin eh," natatawang saad ni Cardo.
"Heh! Kasi naman, ang bagal bagal mo magtanong. Naunahan tuloy kita."
BINABASA MO ANG
In The Rain | ViCo
FanfictionSa ulan, sila'y nagkita. Sa ulan, sila'y nagkakilala. Sa ulan... sila'y magtatapos? Sa larangan ng pagtanggap at pagmamahal, kaya bang tabunan ng magandang kasalukuyan ang nakaraang kinamumuhian? Hanggang saan mo kayang lumaban para matanggap ka ng...