Kabanata IV

1K 40 29
                                    

GENERAL



"It is hypothesized by Joaquin that in this case, terrorists are the ones responsible for the bombing cases. Anyone who would like to negate?" tanong ni Colonel Roy.

"Ser," panimula ni SPO2 Dalisay. "Siguro naman, hindi lamang mga terorista ang dapat nating paghinalaan sa isyu'ng ito."

Tinignan ni Joaquin si Cardo nang may bahid ng pagkainis sa mukha. Cardo took a glance at all of them bago muling ibinalik ang tingin kay Colonel Roy at General Delfin.

"Wala pa naman po tayong mga report tungkol sa mga bagong teroristang dumadayo sa lugar natin. Ang sa akin lang, paano nagiging madali para sa mga nambobombang ito ang pagpapasabog sa mga pampublikong lugar? Mula sa sinehan at sa bus, wala naman tayong nakita na porener o kahina-hinalang terorista na maaaring masangkot sa gulo," sabi ni Cardo. "Hindi natin alam... nasa tabi tabi lang ang kalaban."

Napakagat sa ibabang labi niya si Joaquin dahil sa inis sa mga narinig mula kay Cardo ngunit agad rin niya itong sinagot.

"We do not know if they changed their plans and ways, Cardo," sabi naman ni Joaquin.

"Hindi rin natin alam kung sila ba talaga, Ser," sagot naman pabalik ng huli.



Nagkatinginan ang dalawa pero si Cardo ay umiwas na agad ng tingin.

"'Wag ka na masyadong mapikon diyan, Joaquin," bulong ni Dino na siyang katabi ni Joaquin.

Joaquin managed to smile fakely.



"Whatever those hypotheses are, we have to focus on this issue. We cannot let another bomb explode," sabi ni Colonel Roy.

"Ipagpatuloy mo ang ginagawa mong imbestigasyon, Cardo," sambit ni General Delfin. "Para malaman natin kung ang hinihinala mong 'yan ang suspect ng bombings in Metro Manila."

"Yes, Ser."






Kasalukuyang nagbe-break time mula sa trabaho si Ella at mga kaibigan nitong sina Ana at Curt. Kumakain sila ng paborito nilang turon habang nakaupo sa isang pang-tatluhang table at nanunuod ng TV mula sa maliit na TV screen na nakadikit sa mataas na pader, malayo-layo mula sa kinauupuan nila.

"Nakakaloka naman 'tong mga pangyayari sa lugar natin ngayon," komento ni Curt sabay kain ng turon niya.

"Oo nga. Pati nga si Nanay, ayaw nang lumabas ng bahay dahil sa mga pagsabog na 'yan," dagdag naman ni Ana at inayos ang suot niyang salamin.

"Sa'n ba sila nagpasabog?" tanong ni Ella na lumalamon ng kanyang spaghetti at hindi nanunuod ng TV.

"'Yong una, sa sinehan sa Fairview Terraces tapos pangalawa, sa bus. Nakakaloka. Ang daming nasawi!" sagot naman ni Curt.

This time, napatingin si Ella sa TV screen at doon ay nakita niya ang mga nasawi at nasugatang biktima sa mga pagsabog. Nakaramdam siya ng awa dahil sa mga narinig at mga nakita mula rito. Nagpatuloy lang siya sa pakikinig hanggang sa...

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon